OKAY na pala ang relasyon ni Vina Morales sa dating partner na si Cedric Lee, ang tatay ng nag-iisa niyang anak na si Ceana.
Iyan ang masayang ibinalita ng Kapamilya star nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press sa premiere night ng comeback movie niyang “Sunny” mula sa Viva Films.
Baka Bet Mo: Nag-iisang anak ni Vina teenager na: I’m so proud and lucky to be able to call you my daughter!
Kasama ng aktres sa event si Ceana na 14 years old na ngayon at dito nga niya kinumpirma na maayos na ang co-parenting agreement nila ng ama ng kanyang anak.
Kung matatandaan, nagkademandahan pa ang dating magkarelasyon dahil sa kanilang anak pero nagkasundo na raw sila alang-alang sa kapakanan at maayos na buhay ni Ceana.
“I’m very happy to announce that we’re co-parenting. We’re civil. Okay na. They always find time with each other.
Baka Bet Mo: Vina proud sa pagtatapos ng anak sa elementarya: Never stop learning and always give your best!
“Actually, this weekend, Saturday and Sunday, they were in Tagaytay. Kasama niya yung dad niya,” ang pahayag ni Vina sa naging interview sa kanya sa premiere night.
Aniya pa, “Siyempre, for the sake of our daughter. At saka na-realize ko nung pandemic, parang you know, forgiveness talaga, e.
“You have to forgive. Life is short. And it’s also for her own sake, di ba? They’re both happy, we’re all happy. I’m happy. So, you know, we’re just enjoying our journey,” dagdag pa ni Vina.
Samantala, tumanggi naman ang aktres na magdetalye tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Andrew Kovalcin na nasa Amerika raw ngayon.
Pero sa dialogue niyang “Hindi in love, hindi na nga!” ay parang nais ipahiwatig ni Vina na wala na sila ng kanyang foreigner boyfriend.
“Ako kasi, I always believe, with or without, I am complete because I have Ceana, you know. I’m also grateful na I’ve experienced motherhood. So, hindi ako nagmamadali.
“I freezed my egg. If there’s another opportunity for me to have a baby, okay lang. Kasi, naka-freeze naman yung egg ko,” sey ng aktres.
Kung mabibiyayaan, nais pa niyang magka-baby uli, “Anytime, oo. We’ll never know. Alam mo naman yung science, e.”