Mariel pinagbawalan ni Robin na mag-shopping sa SG: Pagsubok!

Mariel pinagbawalan ni Robin na mag-shopping sa SG: Pagsubok!

Robin Padilla at Mariel Rodriguez

PINAGBAWALAN pala ni Sen. Robin Padilla ang asawang si Mariel Rodriguez na mag-shopping nang bonggang-bongga nang magpunta sila sa Singapore.

Isinabay na ng celebrity couple ang pagbabakasyon ng ilang araw sa Singapore matapos silang manood ng concert ni Taylor Swift doon ilang linggo na ngayon ang nakararaan.

Chika ng TV host, talagang extra challenge para sa kanya ang naging trip nila ni Sen. Robin sa SG dahil kailangan niyang pigilan ang sarili na gumastos sa pagsa-shopping.

Sa bagong YouTube vlog ni Mariel,  naikuwento nga niya ang pagpapa-medical check up nila sa SG kasabay ng panonood ng “Eras” concert ni Taylor Swift.

Baka Bet Mo: Kim Chiu biglang naiyak habang nasa Disney World: Wala naman akong mabigat na pinagdaraanan pero…

“Ito ‘yung trip na bawal daw akong mag-shopping. Talagang bawal na bawal. Pinagbawalan niya ako nang matindi.


“Kasi mahal na raw ‘yung medical check-up, hindi na raw pwede. Wala nang lusutan talaga,” ang pambubuking ni Mariel habang nasa loob siya ng isang shopping mall.

Baka Bet Mo: Macoy Dubs nabudol sa Paris: So, kung may plano kayong pumunta doon, doble ingat

“All of our favorite shops are right here, tapos, pinagbawalan niya tayo kahit na pera naman natin,” ang hirit pa niya sabay tawa.

“’Eto na ‘yung totoong pagsubok. Hayyyy, ang pinakamalaking pagsubok sa lahat,” sey pa ni Mariel nang makita ang Chanel store.

“Grabe ‘yung self-control and submissiveness na ginawa ko ngayon para…anyway, sasamahan naman ako sa Taylor Swift kaya susunod na lang ako,” ang chika pa ng TV host.

Sey naman ng TV host, kahit hindi siya nakapag-shopping sa SG ay nag-enjoy naman siya sa “Eras” concert at napakagpa-excutive check-up pa sila ni Sen. Robinhood.

Read more...