SINUWERTE nang bonggang-bongga sa mga pinasok niyang negosyo ang Korean at Kapamilya TV host-comedian na si Ryan Bang.
Sa kabila ng matitinding challenges na naranasan noong kabataan, nakamit ni Ryan ang ilan sa kanyang mga pangarap sa buhay, kabilang na nga ang pagpapatayo ng sariling negosyo.
Bukod sa kanyang regular na trabaho sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime“, hands-on din ang Koreanong may pusong Pinoy sa mga naipundar na business.
“‘Yun po talaga pangarap ko eh, tsaka ‘yung course ko po talaga is business management sa DLSU.
Baka Bet Mo: Payo ni Lolit Solis kay Ryan Bang: ‘Huwag makipagsabayan kay Vice Ganda, umiwas sa gulo para hindi masuspinde’
“So, ‘yun po talaga ang hilig ko. ‘Yun po ang pangarap ko, eh,” ang kuwento ni Ryan sa programa ni Karen Davila na “My Puhunan: Kaya Mo!”
Ayon sa TV host, talagang sumugal siya sa pagnenegosyo noong kasagsagan ng pandemya taong 2020. Nagtinda at nagbenta siya ng mga pagkaing kilala sa South Korea.
“Nagsimula po ako nagbebenta po ako ng kimchi, Jaba Kimchi. So, during pandemic, wala eh, hindi natin akalain na madaming nangyari sa pandemic, eh.
“Nag-register na po ako ng negosyo ko. 2010 artista na po ako. Sabi ko, 2020, gusto ko businessman. ‘Yun talaga pangarap ko eh,” pagbabalik-tanaw ni Ryan.
In fairness, makalipas lamang ang ilang buwan ay bumongga na ang kanyang food business at bukod sa pagbebenta ng kimchi, nakapagpatayo na rin siya ng rice in a cup at salon business.
Aside from this, nakapagpatayo na rin si Ryan ng unang Korean fine dining restaurant sa Pilipinas, ang Paldo, kung saan matitikman ang mga pambatong pagkain sa Korea.
Baka Bet Mo: Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig
“Akala kasi ng Pinoy fine dining, sosyal, hindi eh. Casual lang ito. ‘Yun talaga ang traditional.
“Ano ang ibig sabihin ng Korean food, bibimbap, ‘yung gulay, healthy, different kind of side dish. ‘Yun talaga ang gusto ko dalhin sa Pilipinas. ‘Yun talaga ang authentic,” aniya pa.