DonBelle, SnoRene napasabak sa Chinese mukbang at Kung Fu

DonBelle, SnoRene napasabak sa Chinese mukbang at Kung Fu

Ervin Santiago |April 10,2024
facebook
share this

DonBelle, SnoRene napasabak sa Chinese mukbang at Kung Fu

Ervin Santiago - April 10, 2024 - 08:40 AM

DonBelle, SnoRene napasabak sa Chinese mukbang at Kung Fu

Donny Pangilinan, Belle Mariano, Anthony Jennings at Maris Racal

BET na bet ng mga fans ang bagong paandar ng ABS-CBN para sa mga adik na adik sa hit romcom series na “Can’t Buy Me Love” ng DonBelle.

Sunud-sunod na pampa-good vibes at pakilig ang hatid ng lead stars ng “Can’t Buy Me Love” sa mga manonood dahil sa mga bonggang challenges and dares sa bagong Made-For-YouTube series na “Can’t Buy Me Love All Access”.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin ibinuking ang tunay na ugali ni Mr. Fu: Kapag sinabi mo ang isang bagay paninindigan mo ‘yan

Napapanood na ito nang libre worldwide sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel na nagsimula last April 4.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)


Tampok sa eight-part digital series sina Maris Racal, Anthony Jennings, Chie Filomeno, Albie Casino, Kaila Estrada, Joao Constancia, Vivoree, Gello Marquez, at Alora Sasam.

Sa unang episode, nagharap sa isang masayang drinking game ang trending tandem nina Anthony and Maris, na gumaganap bilang Snoop at Irene sa serye, habang sinasagot ang mga nakakagulantang na tanong mula sa mga fan.

Baka Bet Mo: Billy tinawag ni Cristy Fermin ng ‘Bully Crawford’; nanawagang itigil na ang ‘LOL’

Sa iba pang mga episode, maglalaban-laban ang mga miyembro ng cast, na hahatiin sa dalawang grupo, ang Team Aircon at Team Kanal, sa Chinese parlor at street games.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony Jennings (@anthonyjenningss)


Mas lalo ring mapapalago ang kanilang kaalaman sa Chinese culture dahil tuturuan silang gumawa ng dumplings at chao fan rice, mag-mukbang ng Chinese food, sumubok ng Kung Fu at marami pang iba.

Maaaring abangan ng mga manonood ang mga bagong episode tuwing Lunes at Huwebes simula 6 p.m. sa buong buwan ng Abril.

Samantala, huwag palampasin ang mga matitinding episode sa DonBelle-starrer series dahil mas napapalapit na si Caroline (Belle), sa tulong ni Bingo (Donny), sa pagdiskubre sa pumatay sa kanyang inang si Divine (Shaina Magdayao).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “Can’t Buy Me Love” nang live sa Kapamilya Online Live sa YouTube o on-demand on ABS-CBN Entertainment YouTube Channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending