Regine ‘di pa qualified maging National Artist; bet si Jose Mari Chan

Regine 'di pa qualified maging National Artist; bet si Jose Mari Chan

Regine Velasquez

NAGPAKATOTOO ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa naging sagot niya tungkol sa panawagan ng mga fans na hirangin na siyang National Artist.

Ang paniwala ng actress-singer at TV host, marami pang mas deserving sa local entertainment industry na bigyan ng pagkilala bilang National Artist for Music.

Naging hot topic sa social media ang tungkol dito nang gawaran si Regine ng parangal sa Billboard Philippines 1st Women in Music Awards.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie

Ayon sa isang netizen sa X (dating Twitter), “With a career spanning over three decades, Regine Velasquez-Alcasid has showcased her exceptional vocal ability.

“Her influence extends beyond borders and timelines. Above all else, she’s been using her platform to champion social causes. An icon. Our National Artist for Music!”


Nag-explain si Regine kung bakit sa tingin niya ay hindi pa ito ang tamang panahon para hiranging National Artist sa kabila ng pagsusulong ng kanyang mga supporters.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez pagod na sa mga taong ‘nagpapanggap’, Ogie Alcasid may hugot sa ‘taong galit’

Sa Facebook Reel ni Darla Sauler, mapapanood ang paliwanag ng OPM icon hinggil sa isyung ito kung saan nagbanggit pa siya ng mga Filipino artists na karapat-dapat sa naturang award.

“I don’t think I’m qualified yet but I would want Pilita Corrales as National Artist, Jose Marie Chan. Parang hindi pa (ako), hindi ko pa yun panahon ngayon,” pahayag ng wifey ni Ogie Alcasid.

Aniya, marami pa siyang dapat patunayan bago tanghaling National Artist, “So, huwag na muna. Parang merong mas qualified sa akin and I still have a long way to go but thank you.

“I appreciate it very much for the people na parang nagpu-push, pero huwag muna kasi parang mas maraming mas iniisip na dapat sila yung nandun, si Nora Aunor, you know what I mean?

“Parang those are the people who should be in there and sana malagay sila dun habang buhay pa sila,” pahayag pa ng nag-iisang Asia’s Songbird.

Kung matatandaan, ang last na idineklarang National Artist for Music ay si Ryan Cayabyab.

Read more...