Unang solo concert ng BINI sold out agad sa loob lang ng 2 oras!

Unang solo concert ng BINI sold out na sa loob lang ng 2 oras!

BINI

SOLD OUT na agad ang unang solo concert ng BINI na “BINIverse” na magaganap ngayong June 28 sa New Frontier Theater.

Sa unang araw ng ticket selling nitong nagdaang Martes (April 2), libu-libong fans ang pumila para makakuha ng “BINIverse” tickets.

Wala pang dalawang oras ay inanunsyo ng Star Music na sold out na ang tickets nito sa lahat ng Ticketnet outlets.

“Who would’ve thought na makaka-sold out kami ng concert? Thank you everyone for the effort!

Baka Bet Mo: BGYO, BINI matinding hamon ang haharapin sa ‘One Dream’ concert: Tingnan natin kung kakayanin nila!

“See you all soon our Blooms and to everyone na hindi naka-secure ng tickets, don’t be sad we will see each other pa sa ibang events namin,” ang mensahe ng BINI member na si Sheena sa kanyang X (dating Twitter) post.

Bukod sa kanilang sold out concert, kinilala rin ang tinaguriang nation’s girl group bilang most streamed female artist ng Spotify Philippines.


Kasalukuyang nasa ikaapat na araw na ng grupo sa unang pwesto na may mahigit dalawang milyong monthly listeners.

Ang BINI rin ang kauna-unahang grupo na nakasungkit ng titulo na dating hawak ng sikat na female solo artists tulad nina Moira Dela Torre, Janine, Nica Del Rosario, Denise Julia, at Illest Morena.

Kamakailan ay hinirang din ang female pop group bilang kauna-unahang recipient ng Rising Star award sa Billboard Philippines Women in Music.

Baka Bet Mo: 2 kanta ng BINI ka-join sa Lunar Codex time capsules na ipadadala sa buwan sa 2023

Kinikilala ng parangal ang naging tagumpay ng grupo sa larangan ng OPM sa loob ng tatlong taon.

Patuloy ang pag-arangkada ng kanta nilang “Pantropiko” na sa ika-16 na pwesto sa Billboard Philippines Songs habang ang latest single na “Salamin, Salamin” ay nasungkit ang ika-41 na pwesto sa Spotify Philippines Daily Songs Chart.

Tampok din ang BINI sa ikatlong pagkakataon sa Spotify Radar Philippines kung saan kasama nila ang iba pang emerging Filipino artists sa bansa.

Makisaya sa unang solo concert ng BINI na “BINIverse” ngayong June 28 na magananap sa New Frontier Theater at pakinggan ang kanilang unang EP na “Talaarawan” available sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Read more...