MAINIT na tinanggap ng viewers ang comeback series ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang “My Guardian Alien.”
Mula pilot episode noong April 1, patuloy na namamayagpag sa ratings ang naturang serye na naging trending topic din sa social media.
Todo-puri rin ang netizens sa kuwento nitong nakakaantig ng damdamin. Unang linggo pa lang pero marami na ang kinilig, natuwa, namangha, at naiyak sa pamilya nina Katherine (Marian), Carlos (Gabby Concepcion), at Doy (Raphael Landicho).
Baka Bet Mo: Heart tinawag na ‘Madam’ si Marian; Barbie, Kim umaming mga ‘Yes Girls’
Komento ng isang netizen, “I really love the execution of the scenes in My Guardian Alien. Talagang kapana-panabik lahat ng mga ganap at sa pilot episode pa lang, pinakita talaga ng ating Primetime Queen Marian na siya talaga ang may hawak ng trono mula noon hanggang ngayon, walang kupas!”
Ayon naman sa isa pang Kapuso, “Ganda lahat mula story, location, pang-Best Picture ‘to kung naging movie. Grabe talaga si Direk Zig (Dulay). ‘Yung visuals ng mga gawa niya sobrang ganda talaga. Sobrang pleasant sa mata.”
Nitong nagdaang Huwebes, (April 4), nasaksihan ng lahat ang official touchdown sa Earth ng pinakamagandang alien sa balat ng lupa (Marian).
Paano nga ba niya babaguhin ang buhay ng mag-amang Carlos at Doy? May puwang nga ba sa mundo ng mga tao ang isang alien?
Tutukan ang “My Guardian Alien” mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.
* * *
Heads up, mga ka-alitaptap! Mababalikan nang muli ang magical adventure ni Tonton at ang Isla ng mga Alitaptap dahil ang award-winning fantasy film na “Firefly,” may libro na!
Baka Bet Mo: Marian ikinumpara si Gabby sa lafang: Walang itulak-kabigin sa kanya!
Ayon sa announcement mula sa GMA Public Affairs Facebook page, mabibili na ang storybook version ng “Firefly” sa GMA Store for only P399.
Matagal nang inaabangan ang release ng storybook na ito dahil isinulat ito ng renowned kids’ storybook writer na si Augie Rivera at illustrated by highly-acclaimed artist na si Aldy Aguirre.
Base ito sa pelikulang “Firefly” mula sa akda at screenplay ni GMA Public Affairs Assistant Vice President Angeli Atienza.
Matatandaang umani ng parangal ang pelikulang ito na produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs – kabilang ang Best Picture, Best Screenplay (Anj Atienza), Best Director (Zig Dulay), Best Child Actor (Euwenn Mikael), at Best Supporting Actress (Alessandra De Rossi) awards mula sa first-ever Manila International Film Festival at sa 2023 Metro manila Film Festival.
Exciting news din para sa mga hindi pa nakakapanood o nais panoorin ulit ang adventure ni Tonton dahil ilalabas na ang ‘Firefly’ sa streaming platform na Amazon Prime this coming April 30.