Sarah Lahbati hindi naniniwala sa paghihiganti: I believe in karma!

Sarah Lahbati hindi naniniwala sa paghihiganti: I believe in karma!

Sarah Lahbati

“REVENGE” action-drama ang tema ng pinakabagong serye ng TV5, ang remake ng classic film na “Lumuhod Ka Sa Lupa” starring Sarah Lahbati and Kiko Estrada.

Magsisimula na ito sa April 8 after “Eat Bulaga” kung saan makakasama rin sa cast sina Sid Lucero, Rhen Escaño, Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Andrew Muhlach, Phoebe Walker, Andre Yllana, Ashley Diaz, Annika Co, Rose Van Ginkel, Jeffrey Hidalgo, at Jeric Raval.

At dahil nga tungkol sa paghihiganti ang kuwento ng “Lumuhod Ka Sa Lupa”, natanong sa presscon ng programa na ginanap last April 2 sa TV5 Studios, ang mga bida at kontrabida kung “Ano ang ugali na ayaw na ayaw n’yo sa tao na gusto ninyo paluhurin sa lupa?”

Baka Bet Mo: Christian Bautista lumuhod, hinarana ang asawang si Kat Ramnani sa harap ng showbiz press: ‘The best wife, sobra!’

Natawa muna si Sarah bago sumagot sabay sabing, “Grabe! Bakit kayo sa akin lahat nakatingin!?


“Sige na nga ako na mauuna. Ugali ba yung corruption? Corruption na lang. Okay na yun,” sey ng ex-wife ni Richard Gutierrez.

Sunod na nagsalita si Rhen, “Ako siguro yung mga taong mababa ang tingin sa kapwa nila. Yung mga taong hindi fair at yung tingin nila sa sarili nila mas nakakataas sila. Siguro deserve nila yun pero hindi ko gagawin yun sa tutoong buhay. Yung mga ganung tao kasi meron sila dapat matutunan or marealize.”

Sey naman Gardo, “Ako kapag pinaluhod mo gusto ko may pagmamahal. Gusto ko kapag lumuhod siya punong-puno ng love. Sa role lang naman yung ganyan. Nakakapatay ako ng tao sa role ko or nakakaligpit pero sa tutoong buhay hindi ko naman magawa. So dito, nasasalamin ang buhay at maraming makaka-relate.”

Ang tugon ni Sid, “Ugali ng tao na gusto kong paluhurin sila sa lupa? Mga taong may kapangyarihan pero they forget that they are human. Kapag pinaluhod mo sila sa lupa, they will realize what it’s like to be human again.”

Sey ng lead star ng serye na si Kiko, “Same with Ren. Yun mga entitled na tao. Same with Sarah. Kung kokopyahin ko, copy paste yung mga sinabi nila.”

Natanong din sa cast kung ano ang masasabi nila sa revenge o paghihiganti ng isang tao sa mga nagkasala at umapi sa kanya, sila ba yung tipo na reresbak kapag naisahan o nalamangan?

Baka Bet Mo: Sarah binabagyo ng blessings, may serye na may international project pa

Sey ni Gardo, “I realized wala rin naman mapupuntahan ang paghihiganti eh. I-pag-pray mo na lang and it’s part of life. It’s a learning experience.

“Bawa’t pagluhod mo sa lupa, ang importante, bumangon ka uli at ipaglaban mo ang kailangang ipaglaban. Siyempre, kapag luluhod ka, huwag kang makakalimot sa pagdarasal. Pasasalamat,” dugtong ng seasoned actor.


“Many people have wronged me, and I never wanted to seek revenge. I believe in karma. Kakarmahin ka rin in the end. Papabayaan ko lang sila. In this industry, marami ang bully. I experienced that so siguro, the only revenge I could do is to be successful,” ang sagot ni Phoebe Walker.

Para naman kay Sid, “Personally, hindi ako naniniwala sa vengeance. It’s a product of something. Sa mundo may nangyayari at ikaw ay nasasaktan pero feeling mo lang yun eh.

“Your ego gets in the way. Akala mo naisahan ka. But what Phoebe said which she said you can show them the best version of yourself because kapag vengeance dala-dala mo yun in every point.

“Ibang tao na yan. You are no longer yourself. You have been changed. I cannot live that way. I’d rather be the best that I can be,” aniya pa.

Sey ni Mark Anthony, “Normal lang na gusto mong gumanti pero mas tama na tignan mo muna ng 10 times bago ka gumanti kung tama ba na gumanti ka or hindi ka gumanti.”

Ang tugon naman ni Sarah, “Like what Phoebe said, I believe in karma. For me, there’s nothing more expensive than peace. We cannot get peace if we seek revenge. There’s power in prayer, as Tito Cupcake (Gardo) has said. You don’t get peace by seeking revenge.”

Ito naman ang paniniwala ni Kiko, Parang kasama sa buhay ang revenge pero through the course of life, mawawala rin yun sa pagtanda mo so I guess it’s maturity also. It’s natural to feel that way but the more you grow maiintindihan mo na yung mga bagay sa paligid natin. That’s maturity.”

Samantala, napakaraming hinarap na hamon ng direktor ng serye na si Albert Langitan, “Sobrang challenging ang ginawa namin kasi it’s an adaptation. Mahirap lagpasan ang mga ginawa noon sa comics at pelikula.

“Idol ko rin si Rudy Fernandez (unang nagbida sa film version ng serye). Parang it’s a personal challenge na pagandahin siya.

“Seven years ago, nagkasama na kami ni Kiko. Sabi ko, Kiko ano ang ginagawa mo, dapat action star ka? So, noong sinabi na si Kiko ang lead star, sabi ko parang destiny yata yun, ah?

“Parang kinclaim namin ni Kiko kasi ang tagal namin hindi nagka trabaho together at dito kami pinagtagpo. Isa pa sa challenge rito is hindi talaga nagsasalita ng Tagalog si Kiko.

“Isa pa sa challenge rito is hindi talaga nagsasalita ng Tagalog si Kiko. Pero nagampanan niya. Challenge din ito kay Sarah kasi ang tagal din niya nawala sa acting.

“What I can promise is maganda ang quality at lalong gaganda ang kwento hanggang sa matapos ang series.

“Magagaling ang lahat ng tao na bumubuo sa show na ito. Very passionate ang mga artista at creative team,” ang pagbabahagi pa ni Direk Albert na katuwang din sa pagbuo ng serye ang isa pang direktor nitong si Roderick Lindayag.

Kaya tutok na sa pagsisimula ng “Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka Sa Lupa” simula sa April 8, 2:30 p.m. sa TV5 Hapon Champion block.

Read more...