PINATUNAYAN ng panganay na anak ni Geneva Cruz na si Heaven Arespacochaga na totoong-totoo na “it’s more fun in the Philippines!”
Makalipas ang mahigit isang dekada, nakabalik nga si Heaven sa Pilipinas kasama ang kanyang girlfriend na si Adi para makasama uli ang inang si Geneva.
Bukod siyempre sa pagdalaw sa kanyang mommy, talagang gusto ring makauwi ng Pilipinas si Heaven para maikot ang iba’t ibang tourist destination sa bansa.
Baka Bet Mo: Paco Arespacochaga napilitang magkargador at maging tagalinis ng CR sa US: ‘Nilamon ko talaga ang pride ko!’
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng anak ni Geneva at ng singer-drummer na si Paco Arespacochaga ang mga lugar na napuntahan nila sa Pilipinas.
Aniya sa caption, “It’s more fun in the Philippines… I never understood the power of reconnecting with my roots, until I stepped foot into Manila for the first time in 13 years.”
Nag-share rin ang independent hip hop artist na naka-base na sa Los Angeles, California ang ilang life lessons na natutunan niya habang nagbabakasyon sa Pilipinas.
“Our trip was 10 days long, but exploring the Philippines and Hong Kong with my girlfriend, showing her around places I grew up in and introducing her to those I hold dear, while having conversations with family about blessings and how we grieved through loss of loved ones–was time well spent. It was love all the way to the end,” ang pagbabahagi pa ng anak ni Geneva.
Siniguro rin ni Heaven na babalik siya agad sa bansa dahil marami pa raw siyang gustong gawin at puntahan.
“We will be back sooner than later. There’s still many people to catch up with,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Paco nagluluksa rin sa pagpanaw ng nanay ni Geneva: Goodbye Mama…
Nauna rito, nag-post din ng mensahe si Geneva sa social media nang muli silang magkasama ni Heaven after four years dahil nga nag-stay muna siya sa Pilipinas para magtrabaho at magbalik-showbiz.
Sa isang video, makikita si Geneva at isa pa niyang daughter na si London (anak niya sa Filipino-Australian na si Lee Paulsen) na naghihintay kina Heaven sa airport. Nang magkita, mahigpit na nagyakap ang mag-ina.
“I finally got to embrace my firstborn child, Heaven, after four long years. To all the parents whose children also have already grown up and left the nest, I am in awe of your strength.
“It is not easy to let go and watch them soar on their own, but it is the best thing we can do for them.
“We must allow them to live their lives on their terms while being there to offer guidance and support when needed,” ang inilagay na caption ng actress-singer sa kanyang IG post.