Randy inispluk kung bakit kirat ang mata, 2 beses tinubuan ng cyst

Randy inispluk kung bakit kirat ang mata, 2 beses tinubuan ng cyst

Pops Fernandez at Randy Santiago

NAGKUWENTO ang OPM icon na si Randy Santiago kung bakit naging kirat ang isa niyang mata na siyang dahilan ng pagsusuot niya ng shades hanggang ngayon.

Never pang nag-perform sa concert o nagpakita sa publiko si Randy nang walang suot na sunglasses dahil nga kailangan niyang itago ang kaliwa niyang mata.

Apat na dekada na ang singer-director sa entertainment industry at naging tatak na niya ang pagsusuot ng kanyang iconic shades na hindi niya kailanman hinubad in public.

Baka Bet Mo: Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda

Sa naganap na mediacon para sa kanyang comeback concert na “EYE CON” last Wednesday, April 3, nagkuwento si Randy tungkol sa  pagsusuot niya ng shades.


Aniya, nagkaroon ng cyst ang kaliwa niyang mata nu’ng bata pa siya kaya kinailangan niyang sumailalim sa operasyon.

“Kuwento ko lang how it started, it was 1983. Iniisip namin na initially tatakpan lang namin yung mata ko sa kaliwa. Nagkaroon ng diperensiya yung mata ko, inoperahan ako nu’ng Grade 2.

“I had to stop (sa pag-aaral) so ni-repeat ko ulit yung Grade 2. Then lumaki ulit yung cyst, inoperahan ulit. Three times akong nag-Grade 2.

Baka Bet Mo: Alden naarburan ng shades worth P70k habang nasa MMFF 2023 parade

“Tinatanong nila kung bakit hindi ako nabu-bully. Hindi nila kaya dahil mas bata sila ng two years sa akin.

“Lumaki po akong mas matanda ako sa mga kaklase ko. Ayun, walang naka-bully sa akin all throughout,” pagbabahagi ni Randy.

Nasa high school na siya nang simulan niya ang pagsusuot ng shades para matakpan ang kirat na mata, “In high school, I was wearing lighter shades.

“In college, I was also wearing lighter shades, until sa Cicada, tatakpan namin,” ani Randy na ang tinutukoy ay ang banda niya noon.

“Nilalagyan ko ng eye patch pero nahihirapan akong humawak ng microphone kapag nakatakip kasi hindi naman bulag yung dalawang mata ko, 20/10 to, e.


“Ang sabi ko, Tanggalin na natin ‘tong patch na to at mag-shades na lang ako. Ayun, it started in 1983,” aniya pa.

Ang unang pagkakataon daw na napilitan siyang tanggalin ang suot na shades ay noong ginagawa niya ang “La Luna Sangre” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2017.

“Ginawa ko lang tanggalin at ipakita yung kanang mata ko du’n sa La Luna Sangre, ni-request ni Direk Cathy.

“Ayan yung problema ko po sa mga nagtatanong kung bakit hindi ako nagteteleserye. Paano naman ako magteteleserye lagi akong naka shades?

“Sitcom puwede. Pero teleserye, baka hindi bagay, e. Hayaan na natin si Kuya Rowell at Kuya Raymart na magteleserye,” ani Randy.

“Sa totoong buhay, kapag kasama ko sila Kuya Rey (Cantong), musical director] and most of the guys, tinatanggal ko talaga yung salamin ko. Lalung-lalo na kapag nandun lang kami sa bahay.

“Sooner or later, makikita niyo rin ang mata ng Tito Randy niyo,” sey pa ng singer.

Daan-daan na ang pag-aaring shades ni Randy, “Marami. Marami ring nagtatanong kung ilan na yung sunglasses ko. Hundreds.

“May mga sponsors po kasi tayo, e. Aside from sponsors, yung iba ang daming regalo,” aniya.

Samantala, super excited na ang OPM legend sa pagbabalik niya sa concert scene via “EYE CON” kung saan sandamakmak ang magiging special guests niya.

Present sa mediacon ang kapwa niya OPM icons na sina Rachel Alejandro at Gino Padilla. Naroon din ang mga baguhang singer na sina JM Yosures, Khimo, Lyka Estrella, JM dela Cerna, Marielle Montellano, Jezza Quiogue, Six Part Invention at ang P-Pop group na Calista.

Makakasama rin ni Randy sa concert ang Original Concert Queen na si Pops Fernandez, Juan Miguel Salvador, LA Santos at Nina.

Hahataw na ang “EYE CON” sa April 12 sa PICC Plenary Hall. Tickets are available at the Ticketworld website.

Read more...