DUROG na durog pa rin ang puso ng dating aktres na si Andi Eigenmann dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.
‘Yan ang inamin mismo ni Andi sa latest vlog ng Happy Islanders.
“I have been going through a difficult time in my life lately. My nanay –she passed away and things have not been easy,” sey niya.
Kung matatandaan, noong March 2 nang pumanaw ang iconic actress sa edad na 60.
Noong March 4 naman nang personal na humarap sa media si Andi upang ipaalam sa publiko na atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang mahal na ina.
Baka Bet Mo: Jaclyn nagparamdam kay Gabby bago ihatid sa huling hantungan: Siya yun
Sa video, ipinaliwanag ng anak ni Jaclyn na kaya niya binuo ang “Happy Islanders” vlog ay para maging updated ang kanyang pamilya sa mga nangyayari sa kanyang buhay.
“You know, she (Jaclyn) has always been the biggest Happy Islanders’ fan and the whole purpose of me creating that vlog was also being away from my family, having Happy Islanders was the best way for me to keep updated with my life here,” chika niya habang umiiyak.
Dagdag niya, “She’s (Jaclyn) been my biggest fan with everything that I do and she loved watching Happy Islanders and our videos all the time.”
Patunay riyan ang natuklasan ni Andi sa phone ni Jaclyn kung saan ang huling pinanood ng legendary actress sa YouTube ay ang last video ng Happy Islanders.
“In fact, when I was able to check her phone, we saw in her YouTube –the last video she watched was the last video of Happy Islanders,” kwento ng aktres.
Bagamat masakit pa rin para sa celebrity mom ang pagkawala ng kanyang mahal na ina, sinabi ni Andi na nais na niyang pagtuunan ng pansin ang sariling pamilya.
“Anyway, I just wanted you to know that although things have not been easy, I’d like to focus on spending time with my family and focusing on the good things, on what’s there, and just making the most out of our time together because losing my nanay in such an expected time is proof that you don’t know what tomorrow brings,” ani niya.
Mapapanood sa nasabing latest vlog ang bonding moments nina Andi at ang half sibling niya kay Jaclyn na si Gwen Guck sa isla ng Siargao.
Matatandaan na kinumpirma ng isa pang kapatid ni Andi sa ama na si Gabby Eigenmann na iniuwi ng dating aktres ang ilang bahagi ng yumaong veteran star sa Siargao.
May nakuha ring abo si Gwen, pati ang anak ni Andi na si Ellie Ejercito.
Habang ang buong urn ni Jaclyn ay nasa columbarium na nasa Quezon City.