Dani Barretto binarag matapos tirahin ang mga sumbaterang magulang

Dani Barretto binarag matapos tirahin ang mga sumbaterang magulang

UMANI ng kaliwa’t kanang batikos si Dani Barretto matapos maglabas ng saloobin tungkol sa aniya’y isang “toxic Filipino culture” – ang utang na loob sa magulang.

Iba’t ibang reaksyon ang nabasa namin sa social media matapos mag-viral ang naging statement ng anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi hinggil sa mga nanay at tatay na ginagamit ang utang na loob para sustentuhan ng kanilang mga anak.

Sa isang TikTok video na kuha sa podcast ni Dani na may episode title na “Toxic Filipino culture: utang na loob sa magulang” nagbigay siya ng kanyang pananaw about it.

Aniya, hindi dapat ipamukha ng mga parents sa mga anak na may utang na loob silang dapat tanawin bilang kapalit sa ginawa nilang pagpapalaki at pagpapaaral sa mga ito.

Sabi ni Dani, “Hindi ka puwedeng magkaroon ng utang na loob sa isang bagay na dapat nilang gawin para sa yo.

“Kasi there are some people who use that against people, parang, ‘Pinaaral kita, pinaganito kita, ganyan-gayan, so, dapat ito yung binibigay mo sa akin,’” aniya pa.

Responsibilidad daw ng mga magulang na palakihin, alagaan at pag-aralin ang mga anak para magkaroon ng magandang buhay and eventually ay maturuan at magabayan para maging independent.

Baka Bet Mo: Dani Barretto ibinandera ang resulta ng bonggang balik-alindog journey: ‘Entering 2023 as the best version of myself’

 

May mga sumang-ayon kay Dani pero meron ding bumanat sa kanya at nagsabing kahit kailan ay hindi “toxic” ang pagtulong sa magulang bilang  pasasalamat.

“Hindi required magbigay pero utang na loob mo yun sa magulang mo. Di makatao nun kung babalewalain mo lang.”

“Laki kami sa hirap. I love my parents. It is my responsibility to provide for them. I viewed it not as utang na loob but an act of love.”

“Nasasabi mo lang yan kasi iba ang estado ng buhy n’yo. Hindi lahat ng tao kasing yaman at kasing swerte nyo. Try mong mamuhay nang walang wala.”

Matapos manega at maokray sa kanyang naging pahayag, dumepensa si Dani at nagpaliwanag sa pamamagitan ng isa pang video.

“Just to clarify some things…

“This is just my opinion, kung hindi man tayo pareho ng pananaw, nirerespeto ko po yun,” ang caption ng anak ni Marjorie sa kanyang post.

“I never said na huwag kayong magi-give back sa pamilya niyo, na huwag ninyong susuportahan ang pamilya niyo, or huwag kayong maging mabuting anak at i-spoil sila.

“Whatever you said in the comment section, I never said that.

“Ang opinyon ko po is that giving back should be voluntary, not obligatory. Yun lang po ang opinyon ko, hindi ko po sinabing mag-agree kayo o dapat yun yung sundan niyo,” esplika pa niya.

Pinanindigan niya ang nauna niyang sinabi na, “toxic Filipino culture… na inoobliga o nire-require nila ang mga anak nila na suportahan sila, buhayin sila, and all of that…

“Dahil sinusumbat nila sa mga anak nila na pina-aral sila, pinakain sila, they put a roof over their heads.

“Ang sinasabi ko lang po I think it’s unfair na yun ang ginagamit na panumbat sa mga anak pag lumaki na sila, at kumikita na sila ng sarili nilang pera,” aniya pa.

Diin ni Dani, kung tumulong man ang anak sa kanyang parents dapat daw ay, “out of love, hindi dahil sinumbat nila sa yo lahat kaya mo sila sinusuportahan.”

“Yun lang po ang mini-mean ko. Wala po akong sinabi na huwag niyo pong suportahan, huwag niyong i-spoil, huwag niyong bigyan yung pamilya niyo.

“Yung statement lang po na yon is about those parents who still obligate or require their children to give money to them.

“And kung di po sila bigyan, sinusumbatan po sila ng mga responsibilidad na ginawa nila para doon sa mga anak nila,” pagtatanggol pa ni Dani Barretto sa sarili.

Read more...