Dani Barretto ibinandera ang resulta ng bonggang balik-alindog journey: 'Entering 2023 as the best version of myself' | Bandera

Dani Barretto ibinandera ang resulta ng bonggang balik-alindog journey: ‘Entering 2023 as the best version of myself’

Ervin Santiago |January 04,2023
facebook
share this

Dani Barretto ibinandera ang resulta ng bonggang balik-alindog journey: ‘Entering 2023 as the best version of myself’

Ervin Santiago - January 04, 2023 - 08:33 AM

Dani Barretto ibinandera ang resulta ng bonggang balik-alindog journey: 'Entering 2023 as the best version of myself'

Dani Barretto

NAPA-SANA all na lang ang mga social media followers ni Dani Barretto matapos bumandera ang naging resulta ng kanyang balik-alindog journey.

Yes, naibalik na nga ng nakatatandang kapatid ni Julia Barretto ang kanyang fit and fab na katawan after niyang sumailalim sa isang weight loss program.

Ibinahagi ng anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi sa kanyang Instagram account ang mga litrato niya noong umabot na sa 160 lbs ang timbang niya.

Kalakip din nito ang latest photos ng vlogger kung saan makikita naman ang kanyang fit na fit version dahil bago nga sumapit ang 2023 ay na-achieve na niya ang target na 129 lbs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dani Barretto-Panlilio (@danibarretto)


Sabi pa ni Dani, tinuruan siya ng mga naging karanasan niya last year na magsimula uli at mas maging matatag at matapang pa sa pakikipaglaban sa buhay.

“It has been quite a journey to self-love, but it was so worth it,” pahayag ng sisteraka ni Julia na patuloy ding nagsisikap at nagsisipag para sa kanyang anak na si Millie.

“Entering 2023 as the best version of myself,” sey pa ni Dani sa kanyang post.

“Wooooh congrats Ms Dani!!! More more pounds to lose this 2023!”

“Nakaka inspire and motivate! Proud fan here!”

“Will start 2023 doing this journey too!”

“We have the same body type.. endomorph apple shape body, sa center or tummy natin nag sstay ung fat kaya its very hard to lose weight when the rest of our body is slim like arms and legs. Calorie deficit is no1 way to lose weight. I love to see your results. It makes me motivated.:”

“What did you do to loose weight? Can you give your tips? I want to loose my weight too.
Matatandaang nagsimula ang fitness journey ni Dani noong 2021 kasama ang asawang si Xavi Panlilio kasabay ng pagkakaroon ng healthy lifestyle.”

Ilan lamang yan sa mga nadasa naming positive comments sa IG post ni Dani.

Palaging ikinukumpara si Dani sa kanyang mga kapatid na sina Julia at Claudia Barretto, na anak naman ni Marjorie kay Dennis Padilla. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nawala rin noon ang self-confidence ni Dani sa kanyag sarili.

Dani Barretto may cryptic post patungkol sa ‘healing’

Kris pinainit ang socmed sa topless photo; dedma sa tuksong ‘pandak, anorexic, butiki, kawayan’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong kinakarir ang ‘balik-alindog’ program; best investment ang biniling bike trainer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending