Tom mala-Mickey Mouse ang Versace on the Floor: Hala!?

Tom mala-Mickey Mouse ang Versace on the Floor: Hala! Pa’no mag-delete?

Ervin Santiago |April 03,2024
facebook
share this

Tom mala-Mickey Mouse ang Versace on the Floor: Hala! Pa’no mag-delete?

Ervin Santiago - April 03, 2024 - 09:58 AM

Tom mala-Mickey Mouse ang Versace on the Floor: Hala! Pa'no mag-delete?

Tom Rodriguez

SABOG na sabog ang hatid na good vibes ni Tom Rodriguez matapos mag-viral ang kanyang “Versace on the Floor” song cover.

Mixed ang reactions ng mga netizens sa kalat na kalat na ngayong TikTok video ng Kapuso actor kung saan ibinibirit niya ang kanya ni Bruno Mars na “Versace on the Floor”.

In fairness, umabot na sa mahigit 2.3 million ang views ng naturang video ng ex-husband ni Carla Abellana kung saan iba’t iba nga ang naging pagtanggap ng mga nakapanood nito.

May mga nagsabing ang cute-cute ng performance ng aktor at kering-keri naman niyang bumirit tulad ng award-winning international star na si Bruno Mars.

Baka Bet Mo: Ariana Grande, Bretman Rock trending dahil sa viral post tungkol sa Eleksyon 2022

Aniya sa caption, “Not a cover po. Reaction video po. Feeling cute, might delete later…pero hindi yung app, sorry.”

Pero may mga nangdaot at nang-okray din kay Tom dahil sa kanyang pagpa-falsetto, ang OA daw niyang kumanta at nagpapaka-trying hard daw magpaka-Bruno Mars.

Nu’ng una, ang feeling ni Tom ay pasado naman ang kanyang version ng naturang kanta lalo na sa unang bahagi nito. Aniya pa, “Okay naman ah?”

Pero nang marinig niya ang middle part nito ay parang umayon na rin siya sa komento ng mga netizens, “Oo nga, ‘no?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akositomrodriguez)


“Hala, pa’no mag-delete? Hala, pa’no i-only me?” ang hirit ng aktor sabay humingi ng tulong sa kanyang nanay.

Nitong nagdaang Holy Week ay ipinost uli ni Tom ang kanyang Bruno Mars video na una niyang ibinahagi sa social media last February.

Baka Bet Mo: Kakai sa kabataan: Kahit may katulong, kayo dapat ang naglalaba ng panty at briefs n’yo! No to salaula!

Ngayon lang ito nag-viral dahil mas marami nang nakapanood sa TikTok at dito rin ito umani ng mga nakakaloka at nakakatawang comments mula sa netizens.

“Okay naman? Kaso may nabasa kasi ako na Mickey mouse version, yun tuloy nadidinig ko,” ang reaksyon ng isang nakapanood ng video.

Nag-reply naman si Tom sa kanya ng,  “Hindi Mickey Mouse! Nakaka-offend ka. Chipmunks po. Bukas may Mickey Mouse cover ako na legit.”

Nitong nagdaang January umuwi si Tom sa Pilipinas matapos manirahan ng halos tatlong taon sa Arizona, USA matapos silang maghiwalay ni Carla.

June, 2023 nang ihayag ng aktor na divorced na sila ng kanyang ex-wife.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” inamin niyang meron na siyang bagong dine-date pero ayaw na muna niyang i-share sa publiko ang tungkol sa non-showbiz girl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending