Kakai sa kabataan: Kahit may katulong, kayo dapat ang naglalaba ng panty at briefs n'yo! No to salaula! Bandera

Kakai sa kabataan: Kahit may katulong, kayo dapat ang naglalaba ng panty at briefs n’yo! No to salaula!

Ervin Santiago |January 20,2022
share this

Kakai sa kabataan: Kahit may katulong, kayo dapat ang naglalaba ng panty at briefs n’yo! No to salaula!

Ervin Santiago January 20, 2022 - 05:35 PM

Kakai Bautista

SABOG na sabog ang mga kabataang “guilty” sa Facebook hugot ng Kapuso comedienne na so Kakai Bautista tungkol sa paglalaba ng sariling underwear.

Aliw na aliw ang mga netizens sa ipinost ng komedyana sa FB kahapon, Jan. 19, kung saan pinatamaan niya ang mga bagets na nag-iinarte at nagpapaka-adult sa social media.

Payo ni Kakai, bago mang-agaw ng eksena at mag-post nang kung anek-anek sa socmed, mas keribels kung maging responsableng kabataan muna sa sarili.

Ipinagdiinan ng Kapuso actress na dapat daw ay matutong maglaba ng kanilang mga underwear ang mga ito kahit meron silang mga kasambahay na pwedeng gumawa nito.

Pangaral ni Kakai sa mga bagets, “Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng Adult sa Social Media, Matuto muna kayong maglaba ng mga Panty at brief nyo. (lauging emoji).” 

Hirit pa niya, “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA. #justsaying ”


Sa isa pa niyang post sa FB, sinabi ng komedyana na siya raw talaga ang naglalaba ng kanyang panty pero kung minsan ay may tagabanlaw siya.

“FYI ako ang naglalaba ng mga Panties ko (laughing emoji). Babad muna tapos banlaw. (laughing emoji).

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal Hygiene yun eh.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!!!!” aniya pa.

Maraming sumang-ayon sa mga pinagsasabi ni Kakai lalo na ang mga magulang na namomroblema sa kanilang mga anak na walang alam sa mga gawaing bahay.

Pero meron ding ilang netizens na kumontra sa kanyang aria sa FB kaya naman nag-post uli siya at sinabing huwag nang problemahin ng mga haters ang kanyang itsura at ugali.

Sey ng singer-comedienne, “Sarap Tumawa guysh. Usapang panty tayo today. (laughing emoji).

“Sana ok lang kayong lahat dyan lalo na mga masusugid kong Followers.

“At yung mga dumadaan at tumatambay dito na nang-uurat lang, alis nalang kayo.

“Wag nyo nang istress ang mga sarili nyo sa MUKHA ko at UGALI. Problemahin nyo nalang sarili ninyo. Juskow (laughing emojis).

“Maraming Salamat sa suporta sa mga REAL TALK ko. [heart emoji] Sana may napupulot kayo. Labyuh beybies!!!!” sabi pa ng komedyana.

Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless

Ryan, Kakai trending sa socmed matapos maturukan

Gerald ibinuking ang reaksyon ni Julia sa ‘boxer briefs’ video; perfect 10 ang estado ng lovelife

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending