Marian, Dingdong ipapasyal sa zoo sina Zia at Sixto ngayong Holy Week

Marian, Dingdong ipapasyal sa zoo sina Zia at Sixto ngayong Holy Week

Marian Rivera at Dingdong Dantes kasama sina Zia at Sixto Dantes

BUKOD sa pagtitika o pagre-reflect tuwing Holy Week, ito rin ang panahon ng ilan sa atin para maka-bonding ang pamilya at mga kaibigan.

Sinasamantala ng mga Pinoy ang mahaba-habang bakasyon para makasama ang pamilya at makapasyal sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Para kina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, balak nilang sulitin ang halos isang linggong vacation kasama ang dalawang anak nilang sina Zia at Sixto.

Baka Bet Mo: Marian gaganap na alien; Bea, Carla, Gabbi paistaran sa ‘Widow’s War ng GMA

“Igagala namin sa mga hindi namin napupuntahan, mga zoo, mga ganu’n. Kaya excited din kami, at least makapagpahinga rin kahit kaunti,” ang pahayag ni Marian.

Kamakailan ay lumipad na patungong Amerika ang Dantes family para doon mag-spend ng Holy Week.

Para naman sa co-star ni Marian na si Max Collins sa comeback series niya sa GMA 7 na “My Guardian Alien”, magre-relax muna siya sa Boracay Island at didiretso sa Amerika.


“Just to bond, to have family time. And then after that, Skye will be staying with Pancho (Magno, dati niyang asawa), and then I will go to the States to see friends and family,” sey ni Max na gaganap na kontrabida ni Marian sa “My Guardian Alien.”

Sa panayam naman ng “24 Oras” kay Gabby Eigenmann, isa pa sa mga kontrabida sa “My Guardian Alien”, naging tradisyon na raw nila na mag-travel tuwing Holy Week.

Baka Bet Mo: Marian hindi pa handa sa pag-aartista nina Zia at Sixto Dantes

This year, ay baka sa bahay lang daw silang magkakapamilya, “Dahil sa mga nangyari the past few weeks, hindi kami nakapag-book, hindi kami nakapag-plano.

“Okay lang naman. There’s always another time for [that]. Pero we made plans after Holy Week. So may plans kami umalis,” ani Gabby na gaganap ding kontrabida sa “My Guardian Alien.”

Makakatambal ni Marian sa serye si Gabby Concepcion at kasama rin sina Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray at Marissa Delgado.

Magsisimula nang umere sa GMA Prime ang “My Guardian Alien” sa April 1 mula sa direksyon ni Zig Dulay.

Read more...