Pagtakbo ni Luis ng mayor aprub kay Ate Vi; Cristy Fermin mangangampanya

Pagtakbo ni Luis ng mayor aprub kay Ate Vi; Cristy Fermin mangangampanya

Vilma Santos at Luis Manzano

APRUB na aprub sa Star For All Seasons na si Vilma Santos kung sakaling pasukin ng kanyang anak na si Luis Manzano ang mundo ng politika.

Kung magdedesisyon daw ang TV host-actor na tumakbo sa mapipili nitong posisyon sa gobyerno ay makasisiguro raw ang kanyang anak sa 100% niyang suporta

Kinumpirma ‘yan ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa nakaraang episode ng kanyang showbiz-oriented vlog na “Showbiz Now Na.”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake sasabak na sa mundo ng showbiz, chinika ang paghahanda sa pag-aartista

Ayon kay Nanay Cristy, lumaki at nagkaisip daw si Luis sa paglilingkod ng kanyang nanay sa mga kababayan nito sa taga-Batangas.


Kaya marami raw pwedeng pagkunan ng inspirasyon ang asawa ni Jessy Mendiola pagdating sa public service.

Ilang taon ding nagsilbi si Ate Vi bilang mayor, governor at congressman ng Batangas kaya may pagmamanahan talaga si Luis kung sakaling pasukin na rin niya ang mundo ng politika.

“Ang sabi lang ni Ate Vi (sa pagtakbo ni Luis), ‘it’s not for me to decide. Sila pa rin ni Jessy ang mag-uusap.’ Siya ay magulang of course mahal na mahal niya ang kaniyang mga anak,” ang sabi ni Nanay Cristy.

Baka Bet Mo: Rendon Labador may balak nga bang pasukin ang mundo ng politika?

“Pero tama ang pagrespeto na ibinibigay niya kay Jessy at Luis. Kasi nga naman, baka mamaya payag sila tapos pala si Jessy, makukulangan sa panahon,” dagdag pa niya.

Samantala, itinaya naman ng premyadong manunulat at TV-radio host ang kanyang pangalan at kredibilidad sa pagsuport kay Luis sakaling tumakbo si Luis bilang mayor ng Lipa, Batangas.


“Kung ako ay taga-Lipa City, hay naku! Ipagkakampanya ko siya. Magmo-motorcade kahit saan magpunta. Ikakampanya ko si Luis Manzano kung talagang tatakbo siya bilang mayor,” ang mariing sey pa ni Nanay Cristy.

Sa isang panayam noon kay Luis, natanong siya kung nasa mga plano ba niya ang maging public servant tulad ng inang si Ate Vi at amang si Edu Manzano.

“Sa ngayon wala pa. Pero lahat naman tayo ay may obligasyon para magbigay serbisyo sa ating mga kapwa tao.

“Lahat naman tayo ay may iba’t ibang capacities sa buhay, pwedeng sa simpleng gawa ng pagtulong ay makagawa tayo ng public service sa ating kapwa.

“Basta ako hindi ko isinasara ang pintuan ng politika sa aking buhay. Malalaman niyo naman iyan, sa ngayon kasi marami akong obligasyon na dapat gampanan.

“Isa na nga riyan ang aking showbiz career bilang isang host sa telebisyon. Pag-aasikaso sa aking negosyo, kaya kung pasukin ko ang politika dapat may time talaga ako,” sabi ni Luis.

Read more...