Dingdong may bagong na-achieve bilang sundalo ng Philippine Navy

Dingdong may bagong na-achieve bilang sundalo ng Philippine Navy

Marian Rivera at Dingdong Dantes

IBINANDERA ng Kapuso Primetime King at Box-Office King na si Dingdong Dantes ang pinaka-latest achievement na kanyang nakamit.

Matapos sumabak sa isang matinding military training para sa pagiging reservist ng Philippine Navy, isa na rin  siya ngayong certified naval combat engineering officer.

Baka Bet Mo: Sharon ipinakilala ang isa pang ‘anak’ sa US: Napakaguwapo, iyan ang lahi namin!

Tinanggap ng Kapuso TV host at award-winning actor ang kanyang certificate of completion kasama ang mga kaklase sa Brigade Training and Doctrine Center, Naval Combat Engineering Brigade Naval Station Jose Francisco, sa Fort Bonifacio, Taguig City last Monday, March 25.


Kasama niyang um-attend ng ceremony ang kanyang loving wifey na si Marian Rivera na siyang nagsabit sa kanya ng “Rifle Expert Badge” at “Kapanalig Medal”.

Ibinahagi ni Dong sa publiko ang ilang photos na kuha sa naganap na seremony sa Fort Bonifacio.

“When I left the house this morning, Sixto was surprised to see me in this gala uniform. He asked, ‘Dada, where are you going?’

“I said that I would attend my graduation rites in the Seabees Headquarters. From the second floor, to my surprise, I heard the strong, coarse voice of Zia screaming, ‘What? You will graduate? Are you a student?’ (laughing and crying emojis),” ang caption ng aktor sa kanyang Instagram post.

Baka Bet Mo: Neri Miranda nagtapos na ng kolehiyo, may kwelang graduation picture

“I just smiled and answered that, yes, even old people can still study and finish anything as long as they want to, because learning should never stop.

“As a reservist, it is a privilege to be given these opportunities to acquire new skills which can definitely enhance many aspects of my life as a professional, father, and husband.

“And what an honor to receive the certificate of completion from King Bee himself, Commodore Rolando Sarmiento,” ang mensahe pa ng aktor sa bago niyang na-achieve bilang military man.


Sa huli, nagbigay din si Dong ng message para kay Marian, “Major shoutout sa aking super supportive na Misis for showing up today and pinning the ‘Rifle Expert Badge’ and the ‘Kapanalig Medal’ on me.

“I’m frozen in place—wouldn’t want to risk becoming a human pincushion!” sabi pa ni Dingdong.

Matatandaang taong 2019 nang unang sumailalim sa military training si Dingdong bilang bahagi ng preparasyon niya sa pagganap na sundalo sa Pinoy version ng hit Korean series na “Descendants of the Sun” kung saan nakatambal niya si Jennylyn Mercado.

Ayon kay Dong, talagang muntik na raw siyang sumuko noon dahil sa tindi ng training pero dahil sa tulong at motibasyon ng mga nakasama niyang sundalo ay napagtagumpayan niya ito.

Read more...