Katya mas inuna ang pagbuo ng baby kesa sa kasal nila ni Paulo Pilar

Katya mas inuna ang pagbuo ng baby kesa sa kasal nila ni Paulo Pilar

Katya Santos at Paolo Pilar

MAS inuna ng engaged couple na sina Katya Santos at Paolo Pilar ang pagkakaroon ng baby kesa ang kanilang pagpapakasal.

Iyan ang bonggang rebelasyon ng dating sexy actress nang matanong tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng kanyang non-showbiz fiancé.

Ayon kay Katya, kahit nag-propose na sa kanya si Paolo last January sa Japan, ay hindi pa rin nila talaga napag-uusapan ang mga detalye about their dream wedding.

Baka Bet Mo: Vice dedma sa mga nangnenega sa wedding nila ni Ion; next project…sariling baby naman?

“Wala pa. Inuuna kasi naming magka-baby. Right now, I’m in the process of IVF (in vitro fertilization), we started last year.


“Siyempre, with my age, I’m already 42, so we prioritize na mag-baby muna. Honestly, wala pa talaga, hindi pa talaga namin naiisip yung kasal kasi nga hindi lang namin napag-uusapan,” pahayag ni Katya sa mediacon ng bago niyang movie last Friday, ang “Sunny” mula sa Viva Films.

Aniya pa, “Itong engagement ring na ‘to, my partner lang really wanted to assure me, dahil mahirap yung pinagdadaanan namin sa IVF, na nandito siya, whaterver happens, magpapakasal kami and build a new family.

“Yun lang naman ang reason talaga. Of course, siyempre, para makasal talaga. But mostly because of IVF kasi grabe talaga yung pinagdadanan namin, sobrang hirap,” pagbabahagi ng aktres.

Baka Bet Mo: Gabbi Garcia, Khalil Ramos 5 years nang magdyowa; ‘ultimate goal’ sa relasyon ang pagpapakasal

“Gusto ko pa talaga ngayong magkaroon ng baby kasi yung daughter ko is already 10 years old. Siyempre, naghahanap na siya ng kapatid.

“At least dalawa lang, so isa pa. Isa na lang para meron din kaming baby together. Lalaki o babae, kahit ano, basta dalawa.


“Kasi, ang hirap na rin ipilit kasi nga 42 na ako, so baka hindi ko na rin kayanin ang ilan pa. Kung mabuo yung dalawa, kambal siya.

“Yun ang pinagpe-pray namin. Hopefully, we’re praying na mabuo silang dalawa o kahit isa sa kanila ay mabuhay,” mahabang chika ni Katya.

Pag-amin pa Katya, “Matagal na kaming nagta-try magka-baby kaya lang hindi lang talaga religiously trying, hindi kami nagpapa-check. Iniisip ko lang kasi before 40 wala naman akong problem, nagka-baby naman na ako.

“Then, noong nagpa-check na ako, okay, doon na lumabas lahat. Doon ko na-realize na hindi porke wala kang nararamdaman, e, wala kang problema. Kasi, I know I’m perfectly healthy, wala naman akong ginagawa, nag-e-exercise ako, healthy living.

“But then again, kapag sa babae pala, dapat regularly nagpapa-check. So, we found out that I have myoma, ang daming underlying issues. Then, medyo mababa na yung ovarian reserve ng egg that’s why we opted for an emergency IVF. Simula noong na-check yun hanggang ngayon, nag-a-IVF kami,” kuwento ng aktres.

“We had already five harvests, meron na kaming dalawang embryo. Hopefully, this July, i-implant na siya.

“But kasi, kailangan muna ako operahan for the myoma and endometriosis. Ang dami, e, kasi alam n’yo naman ang babae kapag nag-turn na ng 40 lumalabas na yung mga sakit.

“Sabi ko nga, wala naman akong nararamdamang sakit. But naayos naman, so hopefully, by July, tapusin ko lang yung isang show ko na gagawin, implant na namin,” dugtong pa niya na sumusumpang hindi madali ang proseso ng IVF.

“Alam naman natin na itong mga bagay na ito, hindi siya 100 percent guaranteed. So, hindi natin ito kontrolado. Hindi na ‘to kontrolado ng doctors, e.

“Si God na lang talaga ang makapagsasabi kung talagang bibigyan ka niya. So, yung stressed na nape-pressure ako, na parang, ‘Shucks, sana successful.’”

Dagdag pa niya, “Ganu’n siya ka-stressful. Umiiyak ako minsan kasi ang hirap pala. Ang hirap pala ng pakiramdam na nahihirapan kang mabuntis ngayon, sa age ko na 42.”

Read more...