Sarah kinumpirmang OK na sila ni Mommy Divine: Thank you Lord!

Sarah kinumpirmang OK na sila ni Mommy Divine: Thank you Lord!

Sarah Geronimo at Mommy Divine

CONFIRMED! Okay na ang relasyon ngayon ng Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang inang si Mommy Divine Geronimo.

Mismong ang Kapamilya actress-TV host at award-winning singer ang nagsabi sa buong universe na may communication na uli sila ng kanyang pinakamamahal na nanay.

Ito’y makalipas nga ang umano’y ilang taong pagdededmahan ng mag-ina dahil nga sa pagpapakasal ni Sarah G kay sa mister nitong si Matteo Guidicelli.

Alam naman ng lahat ang ginawang pagsugod ni Mommy Divine sa intimate at civil wedding ng kanyang anak at ni Matteo sa Shangri-La, BGC noong February, 2020.

Baka Bet Mo: Mommy Divine inirereklamo raw ng kanyang mga empleyado ayon kay Ogie Diaz: Hindi ko lang ‘to first time narinig

Sa interview ng ABS-CBN kay Sarah kasama ang asawang si Matteo Guidicelli, ibinandera ng OPM icon at Box-Office Queen na binati siya ni Mommy Divine sa kanyang latest achievements.

“Yes! Thank you Lord! I love you, Ma!” ang sagot ng Kapamilya superstar nang tanungin kung maayos at nag-uusap na uli sila ng kanyang nanay.

Bigla namang sumingit si Matteo, “Love you ‘Ma. We love our moms.”


Nauna nang ibinalita ni Sarah G na okay na sila ng ina nang tanggapin niya ang kanyang Global Force Award sa naganap na Billboard Women in Music Awards sa YouTube Theater, Los Angeles, California, USA noong March 6.

Baka Bet Mo: Sarah nakipag-ayos na kay Mommy Divine, tanggap na kaya ng pamilya Geronimo si Matteo?

“Super unexpected ‘yun. The first time I learned about it, na-surprise talaga ako. Sobrang inspiring also for an artist like me. Nagpahinga ako, took a break, then I released new songs.

“Medyo I questioned, ‘Gusto ba ng mga tao songs na nilalabas ko?’ And then this came, parang I feel na ‘wow, may nakaka-appreciate ng ginagawa ko still.’

“Very thankful, very grateful for the honor na ibinagay sa akin represent our country and Philippine music on a global stage,” ang bahagi ng speech ni Sarah sa Billboard award.

Sa isa naman niyang interview, tinawag ni Sarah na “hero” si Mommy Divine, “Totoo naman mga mommies po natin ang heroes natin. Our parents ang heroes natin.”

Sey naman ni Matteo sa natanggap na award ng asawa, “She’s killing it, she’s really successful but she never ever wants the credit solely on herself. She always credits the people that build her art together with her. She always tells me, ‘Love, it’s always a collaborative effort.'”

Read more...