Jodi tinamaan ng COVID kaya hindi nakarating sa party ni Mr. M

Jodi Sta. Maria tinamaan ng COVID kaya hindi nakarating sa party ni Mr. M

Reggee Bonoan |March 24,2024
facebook
share this

Jodi Sta. Maria tinamaan ng COVID kaya hindi nakarating sa party ni Mr. M

Reggee Bonoan - March 24, 2024 - 03:38 PM

Jodi Sta. Maria tinamaan ng COVID kaya hindi nakarating sa party ni Mr. M

Jodi Sta. Maria, Claudine Barretto at Johnny Manahan

MAY balidong rason pala si Jodi Sta. Maria kaya hindi nakadalo sa “Night of 100 Stars” tribute para kay Johnny Manahan na kilala bilang Mr. M.

Hindi raw totoo na binawi ang imbitasyon kay Jodi dahil mas pinaboran daw si Claudine Barretto sa event. Tinamaan daw ng COVID-19 si Jodi.

Nasulat namin dito sa BANDERA ang report ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila nina Mama Loi at Ate Mrena na binawi ng organizer ang imbitasyon kay Jodi dahil naroon si Claudine, para iwas gulo na lang daw.

Mas nauna si Claudine sa Talent Center ng ABS-CBN (na Star Magic na ngayon) na pinamahalaan noon ni Mr. M.

Baka Bet Mo: Mr. M parang nabuhay daw uli dahil sa GMA: Mahirap tanggihan yung offer nila

Ayon kay Ogie, “Iniulat natin dito na siya ay dinis-invite, inimbita pero kinansel din dahil ang tsika nga, e, nandoon daw si Claudine, e, baka magkita sila ni Jodi, so, ‘yun na lang daw ang iniwasan. Dahil kung history ang pag-uusapan ang may pinakamatagal na pinagsamahan ay sina Mr. M at Claudine.”

At dahil naging viral ang report na ito ni Ogie ay kinlaro ito ng taong malapit kay Jodi.

Patuloy ni Ogie, “Pero ang paglilinaw nakausap ko nga Loi, ang sabi, ang daming nagtatanong kung totoong disinvited si Jodi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi totoo ‘yun nakakahiya kay Jodi, dapat kasama siya sa previous dinner with Bea (Alonzo), Piolo (Pascual), John Lloyd (Cruz) kay Mr. M. Kaya lang nagka-COVID siya that night, we were together.

“She had a prior commitment that same night when the organizers invited her.  Mr. M would have wanted to see her,” sabi pa ni Ogie.

Baka Bet Mo: Johnny Manahan unti-unti nang napapasikat ang mga Sparkle talents ng GMA; may kanya-kanya nang raket

Hirit naman ni Mama Loi, “Pero ‘Nay (Ogie) matagal na raw na-organize itong event na ito, matagal nang naibigay ang mga imbitasyon, pinagsabihan ang lahat na ilihim kay Mr. M, e, meron na raw napagawang damit si Jodi prepared na raw ‘yung damit niya for the event.”

“Ganu’n ba? E, basta ‘yun ang sabi ng source ko bilang ‘yun ang kanyang pagkakaalam bilang depensa ni Jodi.

“Anyway, kung anuman ang totoo ro’n, e, alam ‘yan ni Jodi at alam din ‘yan ng organizer, basta sinabi ko na rito (SU) kung anong sinabi ng kausap ko para depensahan si Jodi,” paliwanag ni Ogie.

Opinyon pa ng talent manager-host at content creator, “Ako naman ay naniniwala talaga na mature enough na sina Jodi at Claudine na hindi naman sila para magbangayan do’n hindi naman nila okasyon. Puwede silang magkita magtsikahan, puwedeng hindi rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero alam mo ‘yung mga ganyang pagkakataon ‘yung event na ganyan lalo na kung masyado nilang tinitingala at iginagalang at nirerespeto si Mr. M feeling ko baka diyan pa nagkabati sina Jodi at Claudine kung sakaling naka-attend itong si Jodi,” sabi pa ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending