Paolo, Kaye, Patrick bibida sa upcoming Netflix movie na ‘A Journey’

Paolo, Kaye, Patrick bibida sa upcoming Netflix movie na ‘A Journey’

PHOTO: Courtesy of Netflix

SAMAHAN sa isang roadtrip sina Paolo Contis, Kaye Abad at Patrick Garcia!

Ipapalabas na kasi sa darating na April 12 ang pinagbibidahan nilang bagong Netflix film na pinamagatang “A Journey.”

Mapapanood sa trailer na iikot ang istorya sa tatlong karakter na nagtungo sa Tasmania sa Australia upang matupad ang pangarap ng kaibigan nilang may cancer.

“Refusing treatment for her cancer, a woman goes on a road trip across Tasmania to check off items on her bucket list with her husband and best friend,” saad sa inilabas na synopsis ng streaming platform.

Baka Bet Mo: Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Paolo ang upcoming movie nila ni Kaye at Patrick.

“Manila Leg Done.. Tasmania Australia Leg Done.. Can’t wait to watch the finished product! [smiling face with blush emoji],” caption ng aktor kalakip ang ilang behind-the-scenes pictures.

Nagpasalamat din siya dahil napagsama silang tatlo sa isang proyekto.

Nag-post din si Kaye at inamin niya na isang dream come true ang magkaroon ng pelikula sa Netflix.

“Isang pangarap lang noon ang magkapelikula ako sa netflix. Eto na guys!!!! [smiling face with hearts emoji]  sa april12 na!!!! On netflix worldwide,” sey niya sa IG kalakip ang trailer.

Ani pa ng aktres, “[blushing face emojis] Sana po suportahan nyo kami [blushing face emoji].”

Kung matatandaan, naging bida ang tatlong artista sa drama series na “tabing Ilog” na umere noong 1999 hanggang 2002.

Kasama nila riyan sina John Lloyd Cruz, Paula Peralejo, Desiree Del Valle, Baron Geisler, at Jodi Sta. Maria. 

Read more...