Official teaser ng pinagbibidahang K-Drama ni Julia Barretto ibinandera na

Official teaser ng pinagbibidahang K-Drama ni Julia Barretto ibinandera na

PHOTO: Screengrab courtesy of Viu Philippines

FINALLY! Ni-reveal na ang kaabang-abang na official teaser ng K-Drama na pinagbibidahan ni Julia Barretto – ang “Secret Ingredient.”

Exciting ang ilang mga eksena ni Julia kasama ang Korean star na si Sang Heon Lee at Indonesian actor na si Nicholas Saputra.

Nakaka-proud panoorin ang Pinay actress at talaga namang pinatunayan niya na ibang level na siya pagdating sa pag-arte.

Bukod diyan, talaga namang nakakakilig ang chemistry nila ng Korean loveteam na si Heon Lee.

Baka Bet Mo: Julia Barretto sa viral video na ‘nagtaray’ umano sa media: ‘This is false…why now?’

Ang serye ng “Secret Ingredient” ay ang kauna-unahang collaboration ng Viu Philippines at Unilever Nutrition SEA.

“Viewers will follow through the story of Maya and Hajoon as they navigate the journey of life—finding love, reaching ambitions, and discovering culinary excellence. This heartwarming dramedy will surely be the next series you’ll be tuning in every week!” lahad sa isang press release.

Kung matatandaan, noong January nang unang inanunsyo ang upcoming K-Drama series ni Julia.

Ang role niya riyan ay bilang chef na si “Maya” at si Heon Lee na kanyang leading man ay gaganap bilang si Hajoon.  

Si Nicholas naman ang magsisilbing head chef sa K-Drama.

Hindi lang tungkol sa love story ang kwento ng “Secret Ingredient,” dahil itatampok din diyan ang pagkain ng iba’t-ibang kultura.

Ang “Secret Ingredient” ang unang regional drama na mapapanood sa Viu sa darating na Abril base sa pahayag ni Mr. Derek Wong, Viu Originals for Southeast Asia, Middle East and Africa region.

Read more...