Vice Ganda nakipag-‘dinner date’ sa big bosses ng ABS-CBN, GMA

Vice Ganda nakipag-‘dinner date’ sa big bosses ng ABS-CBN, GMA

Vice Ganda with GMA, ABS-CBN big bosses

MATAPOS ang contract signing ng “It’s Showtime” para sa collaboration ng Kapamilya at Kapuso networks, masayang ibinandera ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang dinner date kasama ang big bosses ng nasabing media giants.

Sa Instagram Stories, makikita ang picture niya na kasama ang ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes at Carlo Katigbak, pati ang GMA bosses na sina Annette Gozon-Valdes at Joel Marcelo Gimenez.

Caption sa post ni Vice, “Super good vibes dinner with the bosses!”

Baka Bet Mo: Ruffa Gutierrez nilinaw na walang isyu sa ABS-CBN: ‘Nang-iintriga lang talaga ang iba!’

PHOTO: Instagram Story/@praybeytbenjamin

Samantala, may kanya-kanyang posts naman ang ibang hosts ng noontime show upang ipahayag ang kanilang excitement at pasasalamat sa bagong partnership with GMA.

“Never in our wildest dreams,” sey ni Anne Curtis.

Chika niya, “It’s been a journey of high lows and as we inch closer to our 15th year, we are humbly grateful to [GMA] for officially making us their new noontime show.”

“We will continue our journey in making our Madlang people/Kapuso happy!” pagtitiyak pa niya.

Mensahe pa ng aktres, “Maraming Salamat sa GMA bosses for such a warm welcome. And again, to our ABS-CBN bosses, thank you for keeping the faith and fighting for us.”

“Thank you, Lord,” sambit naman ni Vhong Navarro sa kanyang IG account, kalakip ang isang video clip na ipinapakita ang contract-signing event.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Lala Sotto nagkita sa isang event

Wika naman ni Amy Perez sa kanyang social media post, “To God be the Glory! Thank you Lord! Maraming salamat, Madlang Kapuso!”

Ang “It’s Showtime” ay nakatakdang umere sa GMA noontime slot tuwing Lunes hanggang Sabado simula April 6.

Read more...