Vice Ganda, Lala Sotto nagkita sa isang event

Vice Ganda, Lala Sotto nagkita sa isang event

Therese Arceo |March 14,2024
facebook
share this

Vice Ganda, Lala Sotto nagkita sa isang event

Therese Arceo - March 14, 2024 - 11:50 PM

Vice Ganda, Lala Sotto nagkita sa isang event

SA unang pagkakataon ay nagkrus na ang landas nina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Lala Sotto at ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Sa isang fashion event ng kilalang designer na si Paul Cabral naganap ang personal na pagkikita ng dalawa.

Parehas kasing imbitado sina Vice at Lala sa UNA UNA Fashion Gala ni Paul Cabral na isinagawa sa The Laperal Mansion noong February 27.

At sa naging panayam sa MTRCB chair, ibinahagi nito na nagkita na sila ng “It’s Showtime” host ngunit walang pormal na nagpakilala sa kanilang dalawa.

Baka Bet Mo: Vice Ganda nagpasalamat sa manlolokong ex: That led me to my Ion

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“It was the fashion show of Paul Cabral, so nagkita kami doon. Nakakatuwa kasi nobody introduced us. I just, of course, knew na siya si Vice Ganda.

“Then, nagkataon lang kasi napakaraming tao, so nagkatapat kami. So hayan, nagkita kami, nagbeso kami… nakakatuwa. So happy, finally, nag-meet kami,” kuwento ni Lala.

Aniya, sa dami nga ng taong dumating ay umabit na nga sa puntong nagkatapatan sila ni Vice at super happy siya na nagkita na sila.

Matatandaang nitong 2023 lang nang magkaroon ng isyu sa pagitan ng Kapamilya comedian at MTRCB chair matapos masuspende ang noontime program na “It’s Showtime” ng 12 araw.

Nagsimula ito sa umano’y violations ar reklamo sa naturang show at mas nagpalala pa nga rito ang “icing incident” nina Vice at Ion sa segment na “Isip Bata” na siyang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol.

Pansamantala ngang pumalit ang “It’s Your Lucky Day” habang hindi pa maaaring umere ang show na tila blessing in disguise kina Vice upang makapagpahinga sila at mas makapaghanda sa kanilang “Magpasikat”, ang annual anniversary celebration ng “It’s Showtime”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending