Vice Ganda nagpasalamat sa manlolokong ex: That led me to Ion

Vice Ganda nagpasalamat sa manlolokong ex: That led me to my Ion

Therese Arceo |March 12,2024
facebook
share this

Vice Ganda nagpasalamat sa manlolokong ex: That led me to my Ion

Therese Arceo - March 12, 2024 - 02:59 PM

Vice Ganda nagpasalamat sa manlolokong ex: That led me to my Ion

MALAKI ang pasasalamat ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa ginawang panloloko sa kanya ng dati niyang partner.

Sa segment ng “It’s Showtime” na “EXpecially For You” nitong Lunes, March 11, natalakay nila ang naging dahilan ng break up ng kanilang mga bisita kung saan hindi pumayag ang lalaki na mangibang bansa ang babae para magtrabaho hanggang sa naging cold ito kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Dito ay ikinuwento naman ni Vice ang kanyang naging karanasan dahil minsan rin siyang nangibang bansa para magtrabaho at naiwan naman sa Pilipinas ang kanyang dating kasintahan.

“Six months ako sa Guam, performer ako do’n. So nire-renew ako n’ong manager ko na gusto nila another 6 months… Sabi ko, ‘Hindi, gusto ko na umuwi kasi mamatay na ‘ko, gusto ko na makasama ‘yong jowa ko’.

Baka Bet Mo: Vice Ganda papaaralin ang female searchee sa ‘Expecially For You’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Pagdating na pagdating ko, sinundo ako sa airport [tapos] diretso kami ng SM North para bumili ng Playstation. Kasi gusto niya ng Playstation. […] Pag-uwi namin, nakikipaghiwalay siya kasi may nabuntis siya,” lahad ni Vice.

Aniya, may balak na pala itong makipaghiwalay sa kanya pero kinuha muna niya lahat bago ito ginawa.

Pagpapatuloy ni Vice, “Nagpabili pa siya ng Playstation. Kinuha niya pa lahat. ‘Yong pasalubong ko, lahat kinuha niya. Pero no’ng gabi, nakabuntis siya. Sinabi niyang ’Mayro’n akong girlfriend, tapos buntis siya’.

“Hindi naman sa pag-aano. Oo pinasalubungan kita pero kung ikaw [ang nasa sitwasyon], kukunin mo pa ba ‘yun [kung makikipaghiwalay ka na?]”

Sa kabila ng naranasan ay thankful pa rin si Vice sa ginawa sa kanya ng dating karelasyon.

“Thank you because you prepared me to be who I am right now. That situation prepared me to be this kind of person now.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Thank you for fooling me and leaving me because that led me to my Ion now,” sey pa ni Vice.

Chika pa niya, matapos raw ang ilang taon mula nang maghiwalay sila ay nakita niya itong nakapila sa sinehan para manood ng kanyang pelikula.

“Nag-theater tour kami sa Gateway. Pagkita ko nakapila siya tapos kasama niya ‘yung anak niya at asawa niya,” ani Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending