'Chasing Tuna in the Ocean' ekis sa mga lokal na sinehan

‘Chasing Tuna in the Ocean’ ekis sa mga lokal na sinehan, bakit kaya?

Reggee Bonoan - March 22, 2024 - 04:00 PM

'Chasing Tuna in the Ocean' ekis sa mga lokal na sinehan, bakit kaya?

Eksena sa ‘Chasing Tuna in the Ocean.’ PHOTO: Screengrab from MTRCB

PAGKATAPOS ng pelikulang “Barbie,” naging kontrobersyal naman ngayon ang bagong pelikula na “Chasing Tuna in the Ocean” dahil sa pagpapakita ng “nine-dash line.”

Kung matatandaan, unang ipinagbawal ang “Barbie” dito sa Pilipinas at sa Vietnam dahil nahagip sa pelikula ang mapa ng South China Sea kasama ang nine-dash line.

Ngunit nanindigan ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pwedeng ipalabas ang pelikula dahil ang journey ng mga bida ay dadaanan talaga sa nasabing lugar.

Ngunit ang kaibahan lang sa “Chasing Tuna in the Ocean,” mukhang hindi na talaga ito masisilayan sa mga lokal na sinehan dahil minarkahan na ito ng X matapos ang masusing review ng MTRCB Committee on First Review.

Ayon sa ahensya, ang pagpapakita ng pelikula sa “nine-dash line’”ay lantarang pag-atake sa karangalan ng Republika ng Pilipinas at labag sa Seksyon 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986 (PD No. 1986).

Baka Bet Mo: Francis Tolentino nais ipa-ban sa Pilipinas ang ‘Barbie’, Risa Hontiveros may pakiusap sa mga sinehan

Sa International Arbitral Award ng 2016, nakasaad na ang “nine-dash line” ay simbolo ng iligal na pag-angkin ng China sa South China Sea.

Sa nasabing desisyon, kinatigan ang karapatan ng Pilipinas na teritoryo nito ang maraming bahagi ng South China Sea na nakapaloob sa EEZ (Exclusive Economic Zone) na soberanya ng mga Pilipino.

“Patuloy na gagamitin ng MTRCB ang kapangyarihan at karapatan nito para pangalagaan ang karangalan ng Republika ng Pilipinas,” paliwanag ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.

Dagdag pa, “Gayunman, bagamat ipinatigil ang pagpapalabas sa ‘Chasing Tuna in the Ocean’, sa ilalim ng PD No. 1986, pinahihintulutan pa rin ang mga prodyuser ng pelikula na umapela at mag-submit ng bagong materyal na tanggal ang ‘nine-dash line’.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa “Chasing Tuna in the Ocean” ay ipinapakita ang hirap ng mga mangingisda sa paghuli ng tuna sa Indian Ocean, at ang kawalang-takot nila sa panganib mula sa isang maselang pananaw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending