KINUMPIRMA ni Gabby Eigenmann na ilang bahagi ng cremated remains ng yumaong veteran star na si Jaclyn Jose ay iniuwi ni Andi Eigenmann sa Siargao.
Kuwento ni Gabby, bukod sa abo ni Jaclyn na dinala ni Andi sa isla ng Siargao ay may ibinigay din sa isa pang anak ng aktres na si Gwen Guck at pati na sa kanyang apong si Ellie Ejercito.
Nakausap ng BANDERA ang seasoned Kapuso actor sa grand presscon ng upcoming Kapuso primetime series na “My Guardian Alien” na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.
Tinanong namin si Gabby kung totoo ngang dinala ni Andi sa pagbabalik niya sa Siargao kasama ang fiancé na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak matapos ang burol ng kanyang nanay.
“I think it’s still here (Manila), pero last time I…may mga maliliit kasi silang ano..I think Andi has brought some to Siargao, tapos si Gwen has one also.
Baka Bet Mo: Philmar ibinandera ang ‘last message’, habilin sa kanya ni Jaclyn Jose
“But siyempre yung buong urn nasa columbarium na. Pero yun nga, meron silang maliliit na (lalagyan). I think sa sister (former actress na si Veronica Jones), si Gwen saka si Andi.
“I don’t know if si Ellie has also (nag-isip sandali)…ah si Ellie pala may necklace, nasa pendant. Yun, siyempre just to remember her, parang palagi rin nilang kasama (mommy nila) kahit saan sila magpunta,” pagbabahagi ng aktor.
Tuluy-tuloy pa rin daw ang komunikasyon nila ni Andi, “Alam ko happy naman sila ngayon. Tsine-check ko naman sila. Kasi nase-sepanx din ako, kasi si Andi, first time in a long time…she stayed with me kasi da first few days during the wake.
“So, sa amin siya tumira, tapos dumating na si Philmar tsama yung dalawa nilang kids…nahiya e, nahiya sila to stay longer. Sabi ko, ‘No, no, no! The house is open for you, family naman tayo,” pagbabahagi pa ni Gabby.
Patuloy pa ng Kapuso star, “Pero siyempre, they wanna do things on their own, e. Umalis sila then eventually nag-check in sila sa hotel tapos inayos lang nila yung mga dapat ayusin then bumalik na sila sa Siargao.
Kinumusta rin namin kung paano nagko-cope ngayon si Andi ilang araw matapos ihatid ang labi ni Jaclyn sa huling hantungan.
“Now actually, nagba-bonding sila sa Siargao kasama si Gwen. Sa pagkakaalam ko he’ll stay there until the 24th (of March). Tapos balik siya rito sa Manila then uuwi na siya sa Amerika.
“Okay naman sila, I’m sure they’re having a time of their lives, being together. Kasi matagal din silang hindi nagkita. Though, they are talking naman, nag-uusap sila sa telepono, nagpe-Facetime naman sila,” sabi pa ni Gabby.
Samantala, bagong challenge na naman ang ibinigay kay Gabby ng GMA 7 sa “My Guardian Alien” kung saan ibang-ibang kontrabida role ang gagampanan niya.
Ayaw munang magdetalye ng aktor about his character para may surprise factor sa mga manonood. Pero aniya, maayos namang ipaliliwanag sa kuwento kung bakit naging kontrabida siya.
Mapapanood na ang “My Guardian Alien” sa GMA Prime simula sa April 1, after “Blacl Rider. This is directed by Zig Dulay.
Ka-join din dito sina Raphael Landicho, Kiray Celis, Marissa Delgado, Max Collins at marami pang iba.