Jaycee Parker isinilang na ang kambal nila ni Jericho Aguas

Jaycee Parker isinilang na ang kambal nilang anak ni Jericho Aguas

Therese Arceo |March 21,2024
facebook
share this

Jaycee Parker isinilang na ang kambal nilang anak ni Jericho Aguas

Therese Arceo - March 21, 2024 - 04:26 PM

Jaycee Parker isinilang na ang kambal nilang anak ni Jericho Aguas
PROUD na ibinandera ng dating Viva hot babe na si Jaycee Parker ang pagkasilang ng kambal nilang anak ng asawang si Jericho Aguas.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang isang video kung saan mapapanood ang kanyang birthing journey.

Makikita sa video ang pagdating ni Jaycee sa ospital habang nag-aantay na ma-admit hanggang sa paglipat nito sa Sacred Heart Medical Center sa Angeles City, Pampanga hanggang sa kanyang mismong panganganak.

Makikita rin sa video ang mga kuhang larawan ng kanilang kambal na ipinakilala nila bilang sina Celina at Celeste na isinilang niya via cesarian section at may bigat na 3.15 lbs at 5.15 lbs.

Baka Bet Mo: Kuya Kim may naka-date na member ng Viva Hotbabes: Inuwi ko pa siya sa nanay at tatay ko!

Tinawag rin nila ang kambal bilang “double dragon” base sa caption ng post.

Marami naman ang nagpaabot ng congratulatory messages kina Jaycee at Jericho.

“I can’t wait to meet them,” saad ni RR Enriquez.

Base sa reply ni Jaycee ay magiging ninang mg kambal si RR.

Sey naman ni Chynna Ortaleza, “Grabe! @iamjayceeparkeraguas. Congratulations I You are super! The twins are so beautiful.”

Ilan pa sa nag-congratulate kina Jaycee at Jericho ay sina Jhong Hilario, Rhea Tan, Jopay Paguia, at Danilo Barrios, Regine Angeles, at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

August 2018 nang ikasal ang dalawa sa Bacolor, Pampanga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending