Vice Ganda sa pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN: This is mothering!

Vice Ganda sa pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN: This is mothering!

Vice Ganda

ISANG makabuluhang pahayag ang ibinandera ng Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda sa naganap ng contract signing ng pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at GMA para sa pagpapalabas ng “It’s Showtime”.

Ngayong araw ay tuluyan nang tinuldukan ng mga big bosses ng dalawang media giant ang mga usap-usapan at kinumpirma na pagpapalabas ng “It’s Showtime” sa GMA Network simula April 6.

Labis nga ang pasasalamat ni Vice Ganda sa mainit na pagtanggap sa kanila ng buong Kapuso network.

“Magandang hapon ho sa inyong lahat, mga Kapuso at mga Kapamilya. Hindi ko alam kung paanong magsisimula. Magandang hapon po sa inyong lahat.

“Ano bang sasabihin ko? Ay una, maraming salamat po. Maraming maraming salamat sa GMA dahil grabe ‘yung pagtanggap n’yo talaga sa amin lagi,” lahad ni Vice.

Dito ay ikinuwento niya ang buong pusong pagtanggap sa kanila ng GMA mula nang sumampa sila sa GTV hanggang sa pag-imbita sa kanila sa GMA Gala 2023 hanggang sa pag-ere na ng “It’s Showtime” sa GMA simula Abril.

Baka Bet Mo: Vice Ganda nagpasalamat sa manlolokong ex: That led me to my Ion

“Ang sarap sarap po ng karanasan na ‘yun na ibinigay n’yo sa amin. Ang init ng pagtanggap n’yo, ang sinserong pagmamahal n’yo, maraming maraming salamat,” saad pa ni Vice.

Pagpapatuloy pa niya, “At kami po sa ABS-CBN na nakararanas ng ganyang pagtrato at pagtingin mula sa inyo, lagi po naming napag-uusapan at hindi nawawala ‘yung laging nabibitawan na ‘Infairness, ang babait ng mga taga-GMA.'”

Talagang labis ang pasasalamat ni Vice sa GMA Network sa pagpapasok ng mga ito sa kanilang tahanan.

“Maraming maraming salamat. Hinding-hindi po namin ‘yan makakalimutan pati na rin ng lahat ng mga Kapamilya sa buong mundo. Alam po nila kung ano ang pagmamahal at pagtulong na ibinigay ninyo sa amin.

“At hindi lang ninyo kami tinutulungan na unti-unting makatayo, pinagbuksan n’yo po kami ng tahanan para doon muling magpalakas, magpagaling, magpahilom, at makatindig ulit kapiling kayo. Hindi tumindig mag-isa kundi kasama kayo. Maraming maraming salamat po,” sabi pa ni Vice Ganda.

Aniya, sino nga ba ang makakaisip na magsasama ang ABS-CBN at GMA na kilala noon na magkaribal.

“This is just so historic, so iconic. This is mothering. ‘Di ba? Iba e. Kasi who would have thought na mangyayari ito na magsasanib pwersa talaga ang ABS-CBN at GMA?”sey ni Vice.

“Parang noong pinapasok tayo sa GTV, parang, ay nabuksan ‘yung bakuran. Pero nung GMA na, ay talagang binuksan na nila ‘yung pinto… Isinama tayo hanggang sa sala. Ang sarap sarap lang [sa feeling].

Ikinumpara pa nga ni Vice ang dalawang media giant sa mga kagamitan na may magkaibang boltahe.

“Wala sigurong nakaisip n’un kasi ‘yung GMA at saka ABS-CBN, parang mga gamit na 220V at 110V na hindi mo pwedeng pagsamahin kasi sasabog siya.

VICE GANDA INAMING NAGING TULAY ANG ‘HAMON’ PARA MAGTULUNGAN ANG KAPUSO AT KAPAMILYA

“Sabi nila, ang pag-ibig raw nagsisimula sa spark. Pero ‘yung pag-ibig n’yo ngayon at pagmamahal n’yo sa isa’t isa, hindi siya spark. Sumasabog siya at ang daming nakakaranas at nakakadama ng pagsabog na ito.

“Hindi mo maiisip ‘yun na magsasama ‘yung 110V at 220V kasi sasabog siya pero posibleng mangyari sa pamamagitan ng isang transformer. Dahil sa isang transformer, nagkakasundo ‘yung 110V at 220V,” sey ni Vice.

“So paano kumonek ‘yung 110V at 220V na GMA at ABS-CBN? Ano ang naging transformer? Hamon. Hamon ang naging transformer kung bakit kayong dalawa ay pinili n’yong magsama. This is a transformative event. This is a transformative moment,” dagdag pa niya.

Sa ngayonraw ay mas dama ang bigat ng buhay sa mga tahanan ng Pilipino at ang laking bagay na may mga shows na tumutulong sa mga ito na pansamantalang makatakas sa reyalidad at hirap ng buhay.

“At dahil sa pagsasama n’yong dalawa, mas magiging madali na makapagbigay tayo ng karagdagang tawa sa kanila, karagdagang saya, karagdagang impormasyon, karagdagang inspirasyon at pag-asa. Kaya maraming maraming salamat po sa pagpili sa amin.

“Napakarami n’yong pwedeng piliin, pero sa dulo pinili n’yo po kami. Maraming maraming salamat. At ngayon pong pinili n’yo kami, halika na. Magsanib pwersa na tayo para mapanalunan at mapagtagumpayan ang mas malalaki pang hamon,” sinserong sabi ni Vice.

Muli, nagpasalamat ang Unkbogable Star at sinabing naa-appreciate nito ang bawat ginagawa sa kanilang mga boss para sa noontime program.

“Sa ABS-CBN bosses namin, maraming salamat because you’ve always been fighting for Showtime. I know what you do. Nakikita ko kung anong ginawa n’yo,” emosyonal na sabi ni Vice.

“Nag-thank you rin ito sa pagbibigay ng bagong tahanan sa kanila ng Kapuso Network.

“Salamat po sa mga taga-GMA. We are humbled and grateful. Thank you very much!” sey ni Vice.

Read more...