LA Tenorio sinalba ng pananampalataya sa Diyos mula sa colon cancer

LA Tenorio sinalba ng pananampalataya sa Diyos mula sa colon cancer

LA Tenorio

PROUD na ibinahagi ng Filipino basketball player na si LA Tenorio na ang matindi niyang pananampalataya sa Diyos ang naging daan para gumaling sa sakit niyang colon cancer.

Sa kanyang panayam kay Toni Gonzaga nitong Linggo, March 17, napag-usapan nila ang pinagdaanang matinding sakit ngvbasketbolista.

Natanong ni Toni si LA kung paano nakuha ng basketbolista ang kanyang positibong pananaw sa kabila ng mabigat na pinagdaraanan.

“My faith really saved me. Ako, faith in God. Pwedeng faith with your family, faith in yourself, children, or your wife, ‘di ba

“Doesn’t matter, just have faith. To be honest, it really changed my perspective in life,” sagot ni LA.

Sundot na tanong ni Toni, “Paano na-change? Ano na ‘yong perspective mo ngayon?”

Baka Bet Mo: LA Tenorio cancer-free na, handa nang bumalik sa basketball court

“Now, I appreciate everything. Parang everything is positive for me. Ngayon, everyday I wake up na I’m not expecting anything,” lahad ni LA.

Aniya, sobra talaga ang pagpapasalamat niya na may panibagong araw siya para makasama ang kanyang pamilya.

Sey ni LA, “I’m just thankful, grateful lang ako na may araw ulit ako to spend time with my family, with my wife. I have an opportunity to play again basketball after what happened to me.”

“Parang ‘yong gano’n ako makipag-usap ngayon sa mga kaibigan ko, ‘Kung ano nandyan, ‘wag na kayo maghanap. Maging kuntento tayo.’ Now, if you can do more or get more, why not? But in the end of the day, kung ano ‘yong nandyan, pasalamat na lang tayo.”

Matatandaang March 2023 nang gulatin ni LA ang madlang pipol matapos niyang ibahagi na na-diagnose siya ng Stage 3 colon cancer.

Makalipas ang ilang buwang pagpapagamot, idineklara naman ng coach na si Tim Cone na cancer-free na ang Ginebra player base sa resulta ng huli nitong pagpapagamot.

“His [LA] last PET (positron emission tomography) scan he took today in Singapore, it’s cancer-free,” saad ni Tim sa isang press comference noon.

“He’s finished with all of his chemo sessions, he’s been declared cancer-free, and they told him that within days, he can start practicing. In three or four days, he can return to practice.” dagdag pa niya.

Read more...