Rico Blanco pinag-eenroll sa ‘Anti Selos’ class, kabahan daw sa SnoRene

Rico Blanco pinag-eenroll sa 'Anti Selos' class, kabahan daw sa SnoRene

Maris Racal, Rico Blanco, at Anthony Jennings

HAVEY ang hirit ng mga netizens sa singer-songwriter na si Rico Blanco kaugnay sa patuloy na pag-boom ng tambalan ng kanyang girlfriend na si Maris Racal at co-actor nitong si Anthony Jennings.

Kamakailan kasi ay kilig na kilig ang mga supoorters nito matapos silang makitang magka-date sa naganap na Star Magical Prom 2024.

Bukod pa rito, nag-post rin si Maris ng mga larawan nila ni Anthony sa kanyang Instagram page kaya naman marami rin ang nanukso kay Rico na kabahan na sa tambalan ng dalawa.

“wahahhaha dapat pa enroll na siya sa Jak Anti-silos University,” saad ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Maris younger version ni Rico Blanco ang dasal: Pero siya ang ibinigay ni Lord

Comment naman ng isa, “Rico left the earth HAHAHA.”

“parang may dapat kabahan [laughing emoji],” sey pa ng isa.

Hirit naman ng isa, “Rico is very supportive jowa and [he’s] very proud. Maris kng anu man nararating nya sa carrer nya. At iba ang real sa reel.”

“Kudos to @ricoblanco100 for being so professional despite for being “seloso” like @mariesteller stated sa SS conversation (a year ago).. I love you both so much been following you guys sa insta, TikTok, Facebook and YouTube.. Everyday waiting sa ayuda nyo everyday (videos together) ang lala ng tama ko sainyong dalawa. I love you both,” chika pa ng isa.

Matatandaang nagsimula ang tambalan nina Maris at Anthony nang accidentally ay nag-click at nakitaan ng chemistry ng madlang pipol ang kanilang eksena sa “Can’t Buy Me Love”.

Sa kabila naman ng pag-boom ng fan base ng dalawa ay nananatili naman ang suporta ni Rico sa girlfriend.

Samantala, ngayong araw ang kaarawan ng singer at may short but super sweet ang greeting sa kanya ng Kapamilya actress.

“happy birthday, my favorite kausap. i love you forever nerd,” sey ni Maris.

Read more...