Tampo ni Paolo Contis sa GMA fake news

Tampo ni Paolo sa GMA fake news: Pagbigyan na natin ang nagkalat niyan!

Ervin Santiago - March 16, 2024 - 04:32 PM

Tampo ni Paolo sa GMA fake news: Pagbigyan na natin ang nagkalat niyan!

FAKE-FAKE news ang kumalat na tsismis na may galit o tampo si Paolo Contis sa GMA 7 dahil sa pagkatsugi ng noontime show nilang “Tahanang Pinakamasaya.

“Humarap ang aktor at TV host sa ilang members ng press kahapon, March 15, para sa launching ng “Best Time Ever” campaign ng GMA 7 para sa ilan nilang mga programa.

Kabilang na riyan ang longest-running gag show na “Bubble Gang” kung saan kabilang si Paolo at Michael V, “Family Feud” at, “Amazing Earth” ni Dingdong Dantes, “Pepito Manaloto”, “iBilib”, “YouLOL”, “Running Man” at “TBATS”.

Bago matapos ang naganap na mediacon ay binigyan ng birthday cake si Paolo. 

Nang hingan ng birthday wish, “Wala po akong wish. Nais ko lang magpasalamat sa suporta ng GMA 7 sa akin. I want to thank GMA for always supporting me, for always supporting the show.”

Kasunod nito, dinenay nga niya ang balitang may tampo siya sa GMA dahil sa pagkawala ng “Tahanang Pinakamasaya.”

Baka Bet Mo: ‘Tahanang Pinasara’: Programa nina Paolo at Isko inokray-okray ng bashers

Paglilinaw ni Paolo, “May kumalat po na may tampo po ako sa GMA, hindi po ‘yon totoo. Pero pagbigyan na po natin ang mga nagkakalat no’n, content na po nila ‘yon. Para po sa kanila ‘yon.”

“But it’s not true, I love GMA. I’m very thankful to GMA and they’ve been supporting me, even the time na hindi ako kasupo-suporta. So, there’s no reason para magtampo ako sa GMA,” sey ng aktor.

Humirit naman si Paolo tungkol sa magtatatlong-dekadang pamamayagpag sa ere ng “Bubble Gang”, “Siyempre, hindi magiging kumpleto ang ‘Bubble Gang’ at itong Best Time Ever kung hindi niyo po kami sasamahan.

“Kaya tulungan niyo po kami dahil gusto nating paabutin ng 50 years ang Bubble Gang. ‘Yung isa po kasi, hindi natin napaabot ng 50 years, pero okay lang. ‘Ang Bubble Gang,’ gusto nating paabutin,” natatawang sey ni Pao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag hirit pa niya, “Sorry, hindi ko napigilan.”Umere ang last episode ng “Tahanang Pinakamasaya” noong March 3. 

Wala pang in-announce ang GMA 7 kung ano ang ipapalit dito. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending