DonBelle, FranSeth, KDLex, ilan pang couples nagningning sa Star Magical Prom

DonBelle, FranSeth, KDLex, ilan pang couples nagningning sa Star Magical Prom

PHOTO: Instagram/Nice Print Photo via Star Magic

RUMAMPA sa ivory carpet ang ilang paborito nating love teams sa pagbabalik ng Star Magical Prom!

Agaw-pansin diyan ang DonBelle, FranSeth, KDLex, SnoRene at ilan pang celebrity couples na talaga namang mala-Disney ang peg dahil sa kanilang “shining, shimmering, splendid” na kasuotan.

Ang tema sa taong ito ay “Fairytale Magic.”

Ang grand affair ay ginanap sa Bellevue Hotel sa Muntinlupa, Alabang kagabi, March 14.

Baka Bet Mo: Panliligaw ni Seth Fedelin kay Francine Diaz ‘fake news’, pero tambalang FranSeth pinu-push ng fans

Belle Mariano, Donny Pangilinan

Inspired sa Disney movie na “Beauty and the Beast” ang OOTD ng DonBelle.

Ang aktres ay nagsilbing Princess Belle na naka-yellow gown with high slit, habang si Donny ang kanyang prince na poging-pogi sa kanyang suot.

PHOTO: Instagram/Nice Print Photo via Star Magic

Francine Diaz, Seth Fedelin

“Cinderella” naman ang naging tema ng FranSeth sa event.

Bagay na bagay kay Francine ang kanyang fluffy blue gown, habang hot na hot naman si Seth sa kanyang all white terno na exposed ang kanyang chest.

PHOTO: Instagram/Nice Print Photo via Star Magic

Alexa Ilacad, KD Estrada

Standout ang mala-”Little Mermaid” look ng KDLex!

Tila parang si Princess Ariel na rumampa ang aktres with her wavy red hair, habang naka-dark blue pantsuit ang kanyang screen partner.

PHOTO: Instagram/Nice Print Photo via Star Magic

Maris Racal, Anthony Jennings

All-glammed up din na rumampa ang “Can’t Buy Me Love” tandem na mas kilala bilang SnoRene!

Tila may pagka-Cinderella rin ang tema ni Maris sa kanyang two-piece blue dress na may opera gloves pa, habang si Anthony ay glamorosa sa kanyang black suit na may mga crystals pang detalye na tila mga shooting stars.

Baka Bet Mo: Andrea sa mga tumatawag sa kanya ng malandi, desperada dahil sa ‘promposal’ kay Ricci: ‘Kung okay po sa lalaki, bakit ‘di pwede sa babae?’

PHOTO: Instagram/Nice Print Photo via Star Magic

Xyriel Manabat, Zaijan Jaranilla

Pak na pak din ang kasuotan ng on-screen partners na kilala bilang ZaiRiel o XyJan.

Kumikinang si Xyriel sa kanyang three-colored halter dress, habang kuhang-kuha naman ni Zaijan ang pagka-majestic bilang isang prinsipe.

PHOTO: Instagram/Nice Print Photo via Star Magic

Read more...