Panliligaw ni Seth Fedelin kay Francine Diaz 'fake news', pero tambalang FranSeth pinu-push ng fans Bandera

Panliligaw ni Seth Fedelin kay Francine Diaz ‘fake news’, pero tambalang FranSeth pinu-push ng fans

Reggee Bonoan |January 18,2022
share this

Panliligaw ni Seth Fedelin kay Francine Diaz ‘fake news’, pero tambalang FranSeth pinu-push ng fans

Reggee Bonoan January 18, 2022 - 06:31 PM

Seth Fedelin at Francine Diaz

FOLLOW-UP ito sa Francine Diaz at Seth Fedelin isyu na naisulat namin dito sa BANDERA — ano nga ba ang real score na namamagitan sa dalawa?

Ang manager ni Francine na si John Ling ay nag-post ng larawan ng young actress at ni Seth sa Instagram na may capion na, “See u soon Chin @francinesdiaz @merdick_diaz … another endorsement ba ulit? Lapit na pala #birthday mo … mahal ka ni ninong John mo. Watch na kayo ng new vlog nya part 2 with @unoemilio ok??”

Ang sinasabing @unoemilio ay si Jake Ejercito na guest ni Francine sa kanyang vlog kung saan natanong ang dalaga kung may boyfriend na siya na sinagot naman nito ng “single lady” siya ngayon.

Going back to John Ling, diretso siyang tinanong ng isa niyang follower kung nanliligaw si Seth kay Francine.

Tanong ni @_eybiay, “Nanliligaw po ba si Seth kay Chin?”

Sumagot kaagad ang manager ng dalaga, “@_eybiay nope .. that’s the truth (emoji 100%).”
Nagpasalamat naman ang nagtanong dahil naklaro na ang lahat ng tanong ng supporters ng SethDrea at KyCine.

Sabi ni @_eybiay, “@johnling75 salamat po sir john. Napakabuti at honest n’yo pong manager.”

Sinang-ayunan din ni @akmadkislen, “@johnling75 mabute poh nilinaw niyo na at least wala ng gulo kc dito c Seth ang nasira sa issue na toh nakakaawa ‘yung tao bago palang sa showbiz na dadamay sa mga ganyan..poh salamat sa pag linaw sa issue poh.”

Ayon naman kay @mia_alison24, “@johnling75 we love chin po sobra kaya ipagtanggol po namin siya sa mga bashers niya na Marites lang.”

Komento ni @akmadkislen, “Dahil din naman sa inyo bkt kayo na bash e kc gumawa kayo ng apoy na dpt hndi nanira pa kayo ng loveteam ng iba ..dpt nga mag sory kayo ..kc dhil sa inyo nababash c Seth kiso ganito dhil yan sa pamilya nung idol niyo …c Seth tuloy kung naging masama dito.”

Ang singer-actress na si Jessa Zaragoza na sinasabing ninang ng young actress ay nagpadala ng tatlong hearts para kay Francine.

At sinagot ito ng manager ng dalaga, “@jessazaragoza hi Jessa alam mo naman kung gaano kabait inaanak natin.”

Susog ni Jessa, “@johnling75 naman! Kya lagi kaming sincerely Happy pag madami syang projects! Kasi napaka sipag sa trabaho. Maganda ang work ethic. Marespetong bata.”

Hayan, at least klaro na talaga na walang ligawang nangyayari sa pagitan nina Seth at Francine kaya huwag nang mag-emote ang mga taong nasa tabi-tabi.

Pero teka, may hirit naman na kung puwede ay magkaroon ng sariling project sina Seth at Francine.


Pangarap ni @michelleoreocream, “@merdick_diaz sana po may chance na maitambal si Francine kay Seth kahit not as a Official Loveteam. Kasi lakas po ng chemistry nila. Nakakatuwa po mga tinginan nila kahit hindi sila yung loveteam. Sana mabigyan po ng chance. Parehas silang matured sa bagay bagay.”

Pabor din si @jewsnpearls, “@michelleoreocream agreed. they should check the tweet stats even sa FB, when the issue broke out more than half are very supportive of FranSeth kasi dami rin ngsasabi na bagay sila and the others are just curious, the rest ay fans lang ni Andrea B na galit na galit. ‘Yung mga supporters ng FranSeth before mas dumoble pa check n’yo even Tiktok hashtag ng FranSeth please consider po @johnling75.”

Hmmmm, oo nga baka nga mag-click ang FranSeth? Habang wala pa sa mood si Andrea Brillantes dahil sa isyu, e, di sina Francine at Seth muna. Teka paano naman si Kyle Echarri? 

Seth Fedelin, Francine Diaz may ‘something’ nga ba?

Totoo ba ang chika, Andrea sinugod daw si Francine sa dressing room dahil kay Seth?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending