Robi, Maiqui abangers sa clearance ng doktor para makabuo na ng baby

Robi, Maiqui abangers sa clearance ng doktor para makabuo na ng baby

Robi Domingo, Maiqui Pineda

MASAYANG ibinalita ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo na tuluy-tuloy na ang pagbuti ng health condition ng kanyang asawang si Maiqui Pineda.

Ayon kay Robi, maayos na ang kalagayan ngayon ng pinakamamahal niyang wifey matapos itong sumailalim sa ilang medical treatment.

Sa katunayan, binigyan na ng go-signal si Maiqui ng kanyang mga doktor na makabalik na sa trabaho kung gugustuhin na nito.

Siyempre, tuwang-tuwa naman ang mag-asawa sa development na ito kaya abot-langit ang kanilang pasasalamat sa Diyos at sa lahat ng mga nagdarasal para sa kanilang pamilya.

“She’s better na. Actually, this is the first time that I’ll be telling this, she just got approval to go back to work,” ang pahayag ni Robi sa isang panayam kamakailan.

Baka Bet Mo: Robi naghabilin kapag pumanaw ang lola sa mismong kasal nila ni Maiqui

“She’s fit to work na, so she’s getting better,” dugtong na pahayag pa ng TV host.

Pero sey ni Robi, kailangang bantayan pa rin ang autoimmune condition ng kanyang wifey habang ito’y nagre-recover pa rin. Aniya, sinusunod ngayon ni Maiqui ang ibinigay sa kanyang gluten-free at dairy-free diet.

“She has to work out, rehab, eat right. I try to be part of that diet na rin. It helps. I don’t eat dairy that much.

“She takes 15 tablets per day right now just to manage her condition. But hopefully, matanggal na. She’s off the steroids. Others are supplements,” aniya pa.

Ibinahagi rin ni Robi na praying din sila ni Maiqui sa pagbuo ng sarili nilang family, “Hopefully, we can get clearance so we can start a family. We are waiting for clearance from the doctor.”

Samantala, tuloy pa rin ang ginagawa nilang adjustments ni Maiqui bilang mag-asawa pero so far daw, exciting at masaya naman ang pagsisimula ng kanilang married life.

“At first, it’s so different because number 1, I’m used to living in the house. But now I live in a unit with her.

“I don’t have house help. Before, ang hilig ko mag-workout, puro kalyo. Ngayon, wala na akong kalyo,” lahad ni Robi.

“Babad sa labada, babad sa dishwashing,” ang birong chika pa ng TV host.

Plano rin daw ng mag-asawa na lumipat sa mas malaking bahay sa susunod na taon kaya ito raw ang pinaghahandaan nila ngayong 2024.

Read more...