Sharon naging 'ibang tao' dahil sa socmed: 'Embarrassing!'

Sharon naging ‘ibang tao’ dahil sa socmed: ‘This is so embarrassing!’

Ervin Santiago |March 14,2024
facebook
share this

Sharon naging ‘ibang tao’ dahil sa socmed: ‘This is so embarrassing!’

Ervin Santiago - March 14, 2024 - 12:42 AM

Sharon naging 'ibang tao' dahil sa socmed: 'This is so embarrassing!'

Sharon Cuneta

HIYANG-HIYA si Megastar Sharon Cuneta sa mga nangyaring pagbabago sa kanya nang dahil sa matinding toxic sa social media.

Napakalaki raw ng naitulong sa personal niyang buhay ng dalawang buwang pamamahinga sa socmed kasabay ng pagpapagaling sa kanyang hip problem.

Marami raw siyang realizations tungkol sa pagse-share ng kanyang private life sa socmed, isa na nga riyan ang hindi na pagpatol sa mga taong hindi deserve ang kanyang atensyon at puro mga kanegahan ang alam gawin sa buhay.

Aniya, naging ibang tao siya nang dahil sa pressure at mga toxic na taong walang ginawa kundi malait at mambastos ng kapwa.

Baka Bet Mo: Dimples hiyang-hiya kina Angel at Bea sa pa-surprise na baby shower para sa kanyang 3rd baby: Kasi gumagastos talaga sila

“For two months I really did nothing but check on myself. I detoxed from social media. My god! This is so embarrassing.

“I realized because of social media I started becoming somebody I didn’t like at all. I started becoming in another person I would really despise,” sabi pa ni Sharon sa ulat ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Aminado siya na talagang napo-provoke siyang sumagot at pumatol sa mga haters at bashers kahit na alam niyang hindi naman siya pakikinggan at susundin ng mga ito.

“In the beginning, the Twitter days, parang feeling mo mommy ka na pinapagalitan mo like ‘ano ‘yan why are you talking like this its ‘oh my God bastos ka!’

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta tinawag na ‘toxic’ ng isang netizen, pumalag: Kung ako kausap mo gamitin mo utak mo kung may konti pa

“Now I realize especially when people would hurt me with their words my tendency as human being is to get mad because hurt people hurt people and I so regret that I should’ve been my own self that would rise above that,” chika ni Mega.

Isa si Mega sa mga sikat na celebrities na talagang nakikipagbardagulan noon sa mga epal at bastos na netizens na kung minsan ay naglalagay din sa kanya sa alanganing sitwasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talagang sinasagot at binabasag niya ang mga ito lalo na kapag ang pamilya na niya ang binabanatan. Siyempre, ina si Mega at nakahanda siyang gawin ang lahat para proteksyunan ang mga ito, lalo na para sa kanyang mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending