David Licauco nahiyang magpa-picture kay Kathryn Bernardo

David nahiyang magpa-picture kay Kathryn: Super happy to see her as a fan

Ervin Santiago |March 13,2024
facebook
share this

David nahiyang magpa-picture kay Kathryn: Super happy to see her as a fan

Ervin Santiago - March 13, 2024 - 12:15 AM

David nahiyang magpa-picture kay Kathryn: Super happy to see her as a fan

David Licauco, Kathryn Bernardo, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Ruru Madrid, Bianca Umali at Johnny Manahan

CERTIFIED fan boy din ang Kapuso hunk at Pambansang Ginoo na si David Licauco at isa nga sa mga hinahangaan niya nang bonggang-bongga ay si Kathryn Bernardo.

Kaya naman tuwang-tuwa siya at kinikilig din at the same time nang finally ay ma-meet niya ang Box-Office Queen sa isang fashion event ng ine-endorse nilang clothing brand.

Pinusuan ng kani-kanilang fans ang litrato nila together na kumalat sa social media pagkatapos nilang rumampa sa naturang fashion show nitong nagdaang weekend.

Actually, nahihiya pa nga raw si David na magpa-picture sa ex-girlfriend ni Daniel Padilla that time buti na lang daw umeksena ang kanyang makeup artist at nag-request kung pwede silang piktyuran together.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla palaban na rin sa pagpapa-sexy; ‘Sparkle Fans Day’ bonggang Christmas treat ng GMA sa mga Kapuso

Ang dami raw kasi talagang nagpapalitrato kay Kath kaya nagdadalawang-isip siyang magpa-picture at feeling niya pagod na rin ang aktres nu’ng mga oras na yun.

“I’m really a big fan of Kathryn. Tsaka pinapanood ko talaga yung mga pelikula nila ni Daniel. Yun, I’m super happy to see her as a fan,” pahayag ni Daniel kahapon sa presscon ng “Sparkle Goes To Canada Tour” nila this coming April.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa tanong kung game ba siya sakaling may offer na makatrabaho niya si Kathryn sa isang project, isang mabilis na “yes” ang kanyang sagot.

“Oo naman. Siyempre. Anything naman na work, I’ll do it,” nakangiting sey pa ni David. Dream come true para sa kanya sakaling magkasama nga sila ni Kath sa isang pelikula.

In fairness, mula nang mag-viral ang photo nina David at Kathryn ay marami kaming nabasa na sana’y magkatrabaho rin ang dalawa very soon.

Baka Bet Mo: Chito Miranda nag-sorry sa mga fans na nabigong magpa-picture sa kanya sa NAIA: ‘Medyo aligaga lang kami ni Neri’

Sabi nga ng isang netizen, “Hala ang lakas ng chemistry niyo… Pwede po sila na lang love team? Sobrang lakas makahatak ng madlang people.”

“Pwede chinito boss meets a kikay na Pinay,” hirit naman ng isang fan.

Sa isang panayam, sinabi pa ng aktor na, “Hopefully mabigyan ng pagkakataon. Lahat naman ng artistang lalaki gustong maka-work si Kathryn. Mahaba-haba ang pila.”

Samantala, abangers na ang mga kababayan natin sa Canada sa pagsugod doon ng mga pambatong Sparkle artists ngayong darating na April.

Kabilang nga sa mga magpapasaya at magpapa-good vibes sa “Sparkle Goes To Canada” tour ay sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Bianca Umali, Ruru Madrid, Barbie Forteza at David Licauco, with Boobay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y mula sa direksyon ni Johnny Manahan and presented by Sparkle GMA Artist Center together with GMA Pinoy TV. For tickets, go lang kayo sa mga official social media pages ng Sparkle at GMA Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending