Pura Luka Vega kakampi raw ang Diyos, mas tumibay pa ang pananampalataya
MAS lumakas at tumindi pa ang pananampalataya ng drag queen na si Pura Luka Vega sa Panginoong Diyos nang dahil sa mga pinagdaraanang pagsubok.
Dalawang beses nang naaresto ang kontrobersyal na drag queen dahil sa patung-patong na kaso na isinampa sa kanya matapos gayahin ang Poong Nazareno sa isa niyang drag performance.
Ang huli nga ay ang paghuli sa kanya noong February 29, dahil pa rin sa kasong pambabastos sa Simbahan at relihiyon na nag-ugat sa kanyang “Ama Namin” drag performance last year.
Baka Bet Mo: Pura Luka Vega himas rehas ulit dahil sa ‘Ama Namin’ performance
Pansamantala pa rin siyang nakakalaya ngayon matapos makapagpiyansa ng halagang P360,000.
View this post on Instagram
Ayon kay Pura o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay, sa kabila ng mga nangyayari sa kanya ngayon ay hindi pa rin siya bumibitiw sa kanyang faith sa “Divine Being”.
Sabi ni Pura, patuloy siyang lalaban hindi lang para sa kanyang sarili kundi maging sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at sa pananampalataya niya sa Diyos.
Baka Bet Mo: Kim Atienza kay Pura Luka Vega: I sincerely hope you develop the empathy
“Hindi naman nag-waver ang paniniwala ko sa Divine Being. It’s weird, but I think God has always been on our side, the side of the oppressed and the side of the LGBTQIA+ community. And that’s what matters. Thank you, Lord,” ang pahayag ni Pura sa isang interview.
“We were born resilient. We have gone to probably much worse para sa akin laban lang,” pahayag pa niya.
Ipinagpilitan ni Pura Luka na hindi kasalanan ang ginawa niyang “Ama Namin” drag performance.
View this post on Instagram
Aniya, ang ginawa niya ay expression lamang niya ng kanyang pagiging queer at ng kanyang faith sa Panginoong Diyos.
“I stand firm to my beliefs that I did not do anything wrong. This is purely my expression of my queerness and my faith and there’s nothing wrong with that,” pahayag ni Pura.
Aniya pa, “I hope people would get to see it the way queer people see it. Drag is never a crime. It’s really just an expression and it’s a beautiful art form.”
Naniniwala rin si Pura na malalagpasan din niya ang pagsubok na ito sa kanyang buhay.
Noong October 4, 2023 unang inaresto ng Manila Police District (MPD) si Pura dahil sa mga kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng kanyang viral drag performance.
Tatlong aras siyang nakulong at makalaya lamang matapos magpiyansa ng P72,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.