MAKALIPAS ang ilang taon, muling babalik ang Kapuso actress na si Megan Young sa stage ng Miss World pageant this year.
Si Megan ang magsisilbing host sa inaabangang 71st Miss World pageant na gaganapin sa darating na March 9 sa Jio International Convention Center sa Mumbai, India.
Ito ang return of the comeback ng wifey ni Mikael Daez sa Miss World kaya siguradong super excited na ngayon ang aktres na makita at makilala ang mga official candidates sa pageant.
Si Megan ang kauna-unahan at tanging Miss World ng Pilipinas na kinoronahan noong 2013 at siya nga ang napiling mag-host sa darating na grand coronation night sa Mumbai, India.
Ang Indian director na si Karan Johar, na siya ring host ng sikat na talk show na “Koffee with Karan” ang magiging co-host ni Megan sa last part ng naturang international pageant.
Ibinandera ito ng MW Organization sa kanilang official social media pages, “Megan Young @meganbata returns to the Miss World stage co-hosting this year’s event!
“The talented and charismatic actress, model, and tv hosted who won the Miss World title in 2013, has been recently featured on the Philippine television drama crime ‘Royal Blood.’
“Welcome back, Megan (red heart and crown emoji).
“The 71st Miss World will be crowned on March 9th, at the @jioworldconventioncentre , 7:30 PM (2 PM GMT). The event will be live-streamed by @sonylivindia.
Baka Bet Mo: Megan ayaw pang magka-baby, pero kapag nabuntis ready na ring maging mommy
“#MissWorld #71MW #MissWorld71 #BWAP #BeautywithaPurpose #India #incredibleindia,” ang nakalagay pa sa announcement ng Miss World sa kanilang Instagram account.
Sa 71st edition ng Miss World pageant, kokoronahan ng reigning Miss World na si Karolina Bielawska ng Poland ang tatanghaling bagong reyna.
Ang magiging bet ng Pilipinas this year ay si Miss World Philippines 2022 Gwendolyne Fourniol.
“Off to India! Wishing our Miss World Philippines 2022 Gwendolyne Fourniol the best of luck as she represents the Philippines in the 71st Miss World!” ang announcement ng Miss World Philippines Organization sa kanilang FB page.
Dagdag pa, “She’s more than ready to clinch the 2nd Blue crown for the Philippines! Let us all support her journey to the crown! You got this, Gwen! Laban, Filipina!”
In fairness, mukhang handang-handa na rin ang pambato ng bansa sa gaganaping coronation night sa Sabado.