Claudine sa pagkamatay ni Jaclyn Jose: Bakit hindi ko siya naramdaman!?

Claudine sa pagkamatay ni Jaclyn Jose: Bakit hindi ko siya naramdaman!?

Claudine Barretto, Gabby Eigenmann at Andi Eigenmann

“KAPAG may pinagdaraanan ako, nararamdaman niya!” ang pahayag ni Claudine Barretto patungkol sa pumanaw na aktres na si Jaclyn Jose.

Tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha ni Claudine nang dumalaw siya sa burol ng veteran star sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Hanggang sa interview sa kanya ng press ay hindi pa rin mapigilan ni Claudine ang maiyak lalo na nang mapag-usapan ang mga unforgettable moments niya with Jaclyn.

Nagsimula ang closeness nila nang gawin nila ang hit Kapamilya soap opera na “Mula Sa Puso” noong dekada 90 kung saan gumanap silang mag-ina.

Baka Bet Mo: Andi inaatake rin ng takot bilang nanay, pero hinahayaan lang matuto ang mga anak

“Not a lot of people know na magkapitbahay kami. Aside from her being my mom and you know, gaya ng sinabi ko, minsan paggaling siyang taping, bago siya umuwi, dadaan sa bahay.

“Aakyat ng kwarto tapos sasabihin niya sa akin na parang ‘na-miss ka lang ni Nanay, kaya dumaan ako,’” pahayag ni Claudine sa panayam ng ABS-CBN.


“Kapag may problema naman ako, tatakbo naman ako sa bahay niya. Aakyat lang ako sa kwarto niya, papasok lang ako, tapos tatabihan ko siya at alam naman niya ‘yung pinagdaraanan ko.

“For the longest time, she’s always been there. And kapag sinabi ko na, ‘Nay pwede bang dito muna ako?’ Patatahanin niya ako, tapos the next day may mainit na mainit na sinigang na ako from her,” pag-alala pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista may pinagdaraanan, pinipilit maging positibo: I’m really in search of just being happy

Ganu’n daw katindi ang koneksyon nila, “Basta kapag may pinagdaraanan ako, nararamdaman niya ako. Kaya hindi ko siya maintindihan kung bakit hindi ko siya naramdaman.”

Labis din niyang pinagsisisihan na hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap at magkita nang personal nitong huling nakaraang tatlong linggo.

Samantala, nagbahagi rin si Claudine ng ilang nakakatuwang moments with Jaclyn noong nabubuhay pa ito.

“Pumupunta sa bahay ‘yan. Magdadala ng sariling cooler na may beer. Tapos sasabihin niya, ‘Nak, wala ka pa sa bahay dito, magsu-swimming ako, bahala ka!’ Tapos pagdating ko sasabihin niya, ‘Labas mo na ‘yung buntot mo!’ Sabi ko ‘Ano ba ‘yan, nanay!?” pagbabahagi pa ni Claudine.

Nangako naman si Claudine kay Jaclyn na hindi niya pababayaan ang naulilang dalawang anak nito. “I have to be strong for Andi.”

Read more...