Jaclyn Jose nakitaan ng ‘green bone’ matapos ma-cremate, ano’ng meaning?

Jaclyn Jose nakitaan ng 'green bone' matapos ma-cremate, ano'ng meaning?

Jaclyn Jose

MAY nadiskubre sa labi ng pumanaw na movie icon at award-winning actress na si Jaclyn Jose matapos siyang ma-cremate.

Ito ang naging rebelasyon ng kapatid ni Jaclyn at dati ring aktres na si Veronica Jones nang makapanayam siya ng ilang members ng media sa burol ng nanay ni Andi Eigenmann sa Arlington Memorial Chapels.

May nakita raw “green bones” sa labi ni Jaclyn na hindi karaniwang nakikita sa katawan ng mga tao.

Sabi ni Veronica, kapag nagtataglay ng green bone ang isang tao, tunay daw na mabuti ang puso nito.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Jean may nadiskubre matapos i-cremate ang yumaong ina na namatay sa COVID

“Oh Jane (tunay na pangalan ni Jaclyn Jose), may sinasabi silang green, green bones? Ano raw ang ibig sabihin, hindi lahat ng tao na na-cremate meron nu’n, very rare, nakita si Jane na meron, ang ibig sabihin daw nu’n eh, good heart,” pahayag ng former actress sa panayam ng ABS-CBN.

Agree naman dito ang ilang nasa burol dahil totoo naman daw na napakabait at may mabuting puso ang namatay na aktres.


Sa isang article sa internet tungkol sa green bones, ganito ang sinasabi, “Pagkatapos ng cremation at may nakitang green bones, may ginawa umanong kabutihan ang yumao nu’ng ito ay nabubuhay pa.

“Ayon sa paniniwala ng mga Chinese, bihira lang itong makita kaya kapag nakakita ng green bones sa cremation, dapat itong itabi ng pamilya dahil magsisilbi itong pampasuwerte.”

Baka Bet Mo: Tambalang Alden-Bea ipinagtanggol ng fans sa mga bashers: ‘Kilig to the bones at super perfect tandem’

Pero base sa isa pang website about green bones, ito naman ang nakasulat, “After careful analysis of these colourations in both crematorium and experimentally burned animal bones, the authors suggested that these colours could be due to the presence of different metal ions during cremation: copper for the pink colour, iron for the green and zinc for the yellow.”

Samantala, inilarawan din ni Veronica si Jane bilang, “Mapagmahal, matindi magmahal. Down to earth. Maawain. Napakabait na tao. Walang masamang tinapay.”

Aniya pa, mahal na mahal niya ang kapatid at ngayon pa lang ay miss na miss na niya ito.

Read more...