Meme ni Jaclyn Jose muling nag-viral: ‘It will never be the same’
KASABAY ng hindi inaasahang pagpanaw ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose ay ang muling pag-viral ng kanyang “petsa de peligro” meme.
Marami sa mga netizens ang nagbigay pugay sa namayapang aktres matapos ang nakakagulat na balitang sumakabilang buhay na ito noong Sabado, March 2.
Samantala, nitong Lunes, March 4, kinumpirma ng panganay na anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann ang pagkamatay nito matapos siyang atakihin sa puso habang nasa kanyang tahanan sa Quezon City.
At kasabay nga ng mga mahahabang mensahe ng pagbibigay pugay at pagkilala sa naging kontribusyon nito sa industriya, marami ang muling nag-post ng kanyang viral meme na madalas lumabas tuwing “petsa de peligro”.
Baka Bet Mo: Jaclyn Jose binigyang-pugay ng Cannes, inalala ang ‘winning moment’
View this post on Instagram
Ang naturang meme ay kuha mula sa eksena ng 2016 film na “Ma’Rosa” directed by Brillante Mendoza kung saan nagwagi si Jaclyn bilang Best Actress sa prestigious Cannes Film Festival na ginanap sa France.
Ang meme ay galing sa eksena ng beteranang aktres kung saan kumakain ito ng street food.
“We used to use this meme whenever we are in “petsa de peligro” days, but now, it will never be the same… RIP Ms. Jaclyn Jose, u will be missed,” saad ng isang netizen.
Sabi naman ng isa, “She became a meme after this, but this is the scene that made her win the elusive Cannes Best Actress prize. Jaclyn Jose in Brillante Mendoza’s MA’ ROSA (2016). What a tremendous loss!”
“This meme will always have a special spot in our hearts. Every time na sahod at may bagong bibilhing gamit. Palaging buhay tong picture na to na it reminds us about 15th month and Petsa de Peligro. Just today, it will never be the same. Rest in Peace, Ms. Jaclyn Jose,” sey naman ng isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.