Pagmumura ni Jasmine sa ‘Glimpse Of Forever’ pinalakpakan; Anne sumuporta

Pagmumura ni Jasmine sa 'Glimpse Of Forever' pinalakpakan; Anne todo suporta

Jerome Ponce, Diego Loyzaga, Jasmine Curtis at Jason Paul Laxamana

ISA sa mga pinakamagagandang pelikula na napanood namin ngayong 2024 ay ang “A Glimpse of Forever” ni Jasmine Curtis, Jerome Ponce at Diego Loyzaga.

In fairness, maganda at kakaiba ang tema ng bagong obra ni Jason Paul Laxamana mula sa Viva Films.

Isa itong romance-drama-sci-fi na siguradong pak na pak sa mga Gen Z at maging sa mga nauna pang henerasyon dahil sa universal theme nito tungkol sa tunay na pagmamahal.

Swak na swak sina Jasmine, Diego at Jerome sa mga role nila sa pelikula bilang sina Glenda, Kokoy “The Boy Next Door” at Dante respectively at napaarte sila ni Direk Jason nang bonggang-bongga.

Baka Bet Mo: Kathleen Hermosa: ‘Had a glimpse of how it feels to be a mom..I am grateful!’

May kanya-kanyang highlights ang tatlong bida ng “A Glimpse of Forever”, pero sa kabuuan ng movie, feeling namin pelikula ito ni Jerome dahil sa kanya talaga nakasentro ang twist and turns ng kuwento.

Napanood namin ang movie sa ginanap na red carpet premiere night nito last Monday, March 4 na dinaluhan ng buong cast members. Sinorpresa pa nga si Jasmine ng kanyang sisteraka na si Anne Curtis na all-out ang ipinakitang support sa kanilang movie.


Magsisimula ang istorya sa pinagdaraanan ni Glenda (Jasmine) sa kanyang lovelife kaya susubukan niya ang ForeVR, isang virtual dating studio.

Sa pamamagitan ng Virtual Reality (VR), pwede niyang maka-date ang tinatawag na The Bad Boy, The Rich Guy, Gigolo, at Worker. Pero ang pipiliin niya ay si
Kokoy alias The Boy Next Door.

Baka Bet Mo: Xian Gaza umeksena sa bangayang Rosmar-Glenda: ‘Nabababoy tuloy yung term na CEO’

Nang makaharap ni Glenda si The Boy Next Door (Diego), na-turn off siya sa masyado nitong pagkaprangka. Nakabawi naman ito, at best friend na ang turing sa kanya ni Glenda.

Si Dante ang tao sa likod ni The Boy Next Door. Dati siyang theater actor, at dahil sa matinding social anxiety, pumasok na lang ito sa ForeVR bilang Motion Capture Actor. Dahil tago naman ang kanyang mukha, dito niya nailalabas ang galing sa pag-arte.

Habang nakikilala ni Dante si Glenda sa virtual world, nai-in love na ito sa kanya. Ganoon rin naman si Glenda.


Ang tanong, maipagpapatuloy ba nila ito sa totoong buhay gayong may karelasyon pa rin si
Glenda? Meron kaya silang forever sa labas ng ForeVR?

Siyempre, hindi namin sasabihin ang ending ng pelikula pero masasabi naming makatotohanan ito sa panahon ngayon. At sure kaming maraming makaka-relate sa kuwento lalo na yung mga nagpapakamartir sa pag-ibig.

Hindi na kami magtataka kung ma-nominate at manalo ng award sina Jasmine, Diego at Jerome sa pelikulang ito dahil sa ipinakita nilang performance.

Imagine, kahit nga ang walang patumanggang pagmumura ni Jasmine ay pinalakapakan ng audience! Patunay na epektib ang kanyang akting. Pinuri rin ng mga nakapanood sa premiere night ng “A Glimpse of Forever” ang aktingan nina Jerome at Diego na hindi rin nagpatalbog sa pagdradram.

Showing na ngayon sa mga sinehan nationwide ang “A Glimpse of Forever” mula sa Viva Films.

Read more...