PAULO AVELINO, MARICAR REYES may ‘MALISYA’ sa isa’t isa | Bandera

PAULO AVELINO, MARICAR REYES may ‘MALISYA’ sa isa’t isa

Ambet Nabus - November 02, 2013 - 03:00 AM

Napanood namin ang ilang gabi (simula noong pilot episode) ng Honesto, dahil nakasanayan na namin sa bahay ang naturang timeslot (bago matulog ang anak kong si Neeyong) ng ABS-CBN, after TV Patrol.

In all fairness, nakakatuwa ang soap dahil ramdam mo agad na malinis at mabuti ang intensyon nitong mag-remind ng kahalagahan ng value na “honesty.” Talagang pinangarap din naming magkaroon ng totoong Sitio Katapatan kung saan lahat ng tao ay istriktong sumusunod bilang matapat na mamamayan sa lahat ng bagay.

And yes, somewhere, somehow sa gitna ng palabas ay nag-ilusyon kaming magkaroon ng “allergy” ang mga Pinoy na kada magsisinungaling ay hahaba at mamumula ang ilong nila.

Talagang inimadyin namin yung mga napapanood namin sa mga Senate hearing, pati na yung mga talumpati ng mga Presidente natin. Ha-hahaha! Kay sarap-sarap siguro talaga ng buhay pag ganu’n!

Anyway, going back to the soap,  Paulo Avelino and Maricar Reyes are okay as loveteam. May kilig sila at bagay silang panoorin kapag nagtitigan. In fairness talaga kay Paulo, nasa mga mata niya ang husay ng kanyang akting.

Sobrang galing naman ni Spanky Manikan sa kanyang karakter, pati na rin ang unang paglabas nina Angel Aquino, Melissa Ricks at iba pa ay markado agad.

Baka next week ay ipanganak na si Honesto at tiyak na may bagong bagets na namang mamahalin ang mga manonood sa primetime ng ABS-CBN.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending