Donita Rose hiniling kay Lord na bigyan ng asawang virgin

Donita Rose hiniling kay Lord na bigyan ng asawang virgin: Natupad siya!

Ervin Santiago |March 06,2024
facebook
share this

Donita Rose hiniling kay Lord na bigyan ng asawang virgin: Natupad siya!

Ervin Santiago - March 06, 2024 - 07:54 AM

Donita Rose hiniling kay Lord na bigyan ng asawang virgin: Natupad siya!

Donita Rose at Felson Palad

MAY isang bagay palang hiniling ang TV host-actress na si Donita Rose kay Lord kung bibigyan man siya ng bagong karelasyon.

Answered prayer” kung ituring ng dating VJ ang kanyang second husband na si Felson Palad na isang gospel recording artist at events host.

Sa guesting ni Donita sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA 7, nabanggit niya na dininig ng Panginoong Diyos ang kanyang dasal na may kaugnayan sa pakikipagrelasyon.

Unang nagkakilala sina Donita at Felson noong February, 2022 at naging officially together pagsapit ng March ng nasabi ring taon. At makalipas lamang ang ilang buwan ay nagpakasal na sila sa San Clemente, California.

Baka Bet Mo: Wish ni Ogie Alcasid para kay Regine Velasquez: May you be worry-free and stress-free!

“I prayed for him. I had a prayer list, very specific gusto ko po ng parang puwedeng pastor, puwedeng worship leader.

“Dapat Pinoy or at least half, dapat guwapo siyempre, dapat matangkad pa sa akin, dapat siya ‘yung magiging breadwinner kasi marami akong pinagdaanan din,” ang pahayag ni Donita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Felson Palad (@felsonpalad)


Bukod dito, isa pang dasal niya ay ang magkaroon ng “virgin husband”, “Hindi lang ‘yun dapat nakakatawa tapos nag-joke pa ako kay Lord na hindi ko talaga akalaing tutuparin niya.

“Sabi ko, ‘Lord, sana maging virgin ang asawa ko.’ Natupad!” ang natatawang sabi pa ni Donita Rose.

“So, when I met him and we started like talking as friends and then eventually we started dating he said, ‘May confession ako sa ‘yo, virgin pa ako.’

“Tapos hindi ko siya sinagot tapos sabi niya, ‘Bakit? Na-turn-off ka na ba?’ Sabi ko, ‘Alam mo ba na ‘yan ‘yung prayer ko kay Lord na hindi ko akalaing (na ibibigay).

Baka Bet Mo: Donita Rose may pa-dyowa reveal: That’s Felson Palad for you peeps

“Nakakatawa pala si Lord na hindi ko akalain na kaya niyang sasagutin kahit ‘yung pinaka-small thing,” ang natatawa pa ring sey ng aktres.

Reaksyon naman ni Tito Boy sa mga rebelasyon ni Donita, “Alam mo Donita, I wish that this were a midnight show we could go to town. Pero dadating tayo diyan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago niya pakasalan si Felson, na-divorce ang kasal ni Donita sa unang asawang si Eric Villarama noong 2016. Biniyayaan sila ng isang anak, si J.P. Villarama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending