Jake Ejercito nagpasalamat kay Jaclyn Jose: You were loved

Jake Ejercito nagpasalamat kay Jaclyn Jose: You were loved
EMOSYONAL na nagbigay pugay ang aktor na si Jake Ejercito sa yumaong beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Sa kanyang latest Instagram story, muling binalikan ng aktor ang mga pagkakataong tinulungan siya nito kung paano maging ama sa kanyang anak na si Ellie.

“Of her many iconic roles, being a grandmother was one she cherished the most, especially to Ellie,” panimula ni Jake.

Aniya, paniguradong hindi niya masu-survive ang mga unang taon ng pagiging ama kung hindi dahilI kay Jaclyn.

“I surely wouldn’t have survived those early years of fatherhood without your guidance. We rolled with the punches together—anything and everything just for Ellie,” lahad pa ni Jake.

Nangako naman ang aktor na sisikapin niyang maging ok ang anak na talagang naapektuhan sa pagkawala ng kanyang lola.

Baka Bet Mo: Jake Ejercito isa sa unang bumisita sa lamay ni Jaclyn Jose

“You’ve left a void in Ellie’s heart that we could only attempt to fill for the rest of our days. But I’ll give it my best shot and make sure she’ll be ok,” promise ni Jake.

Dagdag pa niya, “Maraming salamat sa lahat, tita. You were loved, specially by your Ellie.”

Para sa mga hindi aware, si Jake ay ang ama ni Ellie, ang panganay na anak ni Andi Eigenmann.

Si Andi naman ay anak ng international award-winning actress na si Jaclyn Jose o si Mary Jane Guck sa tunay na buhay.

Bukod rito, ibinahagi rin ni Jake ang mensahe sa kanya ng beteranang aktres kung saan sinasabing miss na miss na niya ito.

“Jake na mi miss na kita n sobra.
Anak. Pa din ang Turing ko sayo.
Sorry sa ig kailanngan ko Lang mamili. Mahal kita alam mo yan,” text sa kanya ng kanyang Tita Jane.

Nitong Linggo ng gabi, March 3, unang napabalita ang pagpanaw ni Jaclyn sa kanyang tahanan sa Quezon City.

Kahapon, March 4, naglabas ng opisyal na pahayag ang anak nitong si Andi at kinumpirmang heart attack ang sanhi ng pagkamatay ng ina.

Read more...