Rez Cortez tsinugi sa ‘Batang Quiapo’ nang ma-bash sa pagganap na Muslim

Rez Cortez tsinugi sa 'Batang Quiapo' nang ma-bash sa pagganap na Muslim

Coco Martin at Rez Cortez

DAHIL sa kaliwa’t kanang batikos laban sa beteranong aktor na si Rez Cortez kaya siya nawala sa teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa panayam ng vlogger na si Morly Alinio kay Rez sa kanyang YouTube channel ay natanong nito kung bakit nawala kaagad ang karakter niya sa serye bilang si Abdul na isang Muslim.

“Sa Ang Probinsyano 7 months ako, tapos nagsisimula palang ang Batang Quiapo kasama na ako pero nakaka-three taping days pa lang ako bigla akong na-bash.

“Kasi nga ayaw ng mga Kapatid nating Muslim ‘yung role ko ro’n na Abdul dahil ‘yung ginagawa ni Abdul do’n sa show.

Baka Bet Mo: Rez Cortez sasailalim sa major surgery dahil sa problema sa liver; Cai Cortez humiling ng dasal

“Nakabawi naman kami (at) kinunan naming ‘yung eksena na kung bakit ganu’n si Abdul dahil nga may utang na loob siya kay Tanggol (Coco Martin) dahil muntik ng ma-rape ‘yung anak ko kaya nu’ng tinulungan ni Tanggol at lumapit siya sa akin ay tinulungan ko rin dahil mayroon akong utang na loob sa kanya.

“Na-verbalize namin ‘yun na kaming mga Muslim ang utang na loob ay binabayaran kahit buhay naming na kung ang isang Muslim ay gumagawa ng kasamaan ay hindi na nila itinuturing na Muslim.


“Itong taong ito dahil ang Muslim ay hindi masama (at) ang adhikain ay kabutihan at kapayapaan. Nakabawi kami doon sa show doon sa mga hindi nila nagustuhang eksena,” kuwento ni Rez.

Baka Bet Mo: ‘Batang Quiapo’ ni Coco inireklamo ng mga street vendor, apektado na raw ang kanilang mga negosyo

Ang sabi raw ni Coco sa kanya, “Sabi sa akin, ‘Tito Rez gagawin nalang kitang mabait na Muslim.  Ang ibig sabihin pala magpahinga na muna ako ha, ha, ha (nagkatawanan sila ni Morly).

“’Yun ang mahirap do’n nawalan ako ng raket (trabaho), pero okay naman.

“Sabi naman ni Coco babalik naman (karakter) si Abdul pero aayusin na niya ‘yung role para hindi naman ma-offend ‘yung mga kapatid nating Muslim,” aniya pa.

At ngayong walang project sa telebisyon si Rez ay abala naman siya sa Mowelfund bilang Presidente at Chief Executive Officer (CEO).

Read more...