Mika Salamanca, H2WO may pinagsisihan sa nasirang relasyon, ano kaya yun?

Mika Salamanca, H2WO may pinagsisihan sa nasirang relasyon, ano kaya yun?

Mika Salamanca at H2WO

MAY isang bagay na pinagsisisihan ang ex-couple na sina Mika Salamanca at H2WO patungkol sa kanilang relasyon na nauwi rin sa hiwalayan.

Halos three years ding tumagal ang pagsasama ng dalawa bilang magdyowa pero dahil sa ilang personal na dahilan, nagdesisyon na silang magkanya-kanya ng landas.

Para tapusin na ang kung anu-anong ispekulasyon sa mga rason kung bakit sila nag-break, magkasamang nagpaliwanag sina Mica at H2WO about their breakup sa pamamagitan ng isang video.

Ayon kay Mika na isang Sparkle artist, mutual decision ang paghihiwalay nila ng Professional Esports Player na si H2WO o John Paul Salonga sa totoong buhay.

Baka Bet Mo: Nanay ni Mika dela Cruz natawa lang sa tsismis na nabuntis ni Nash Aguas ang anak

“Nag-grow tayo, but not the relationship. It’s just that we were so comfortable. Ang komportable namin,” pahayag ni Mika na sinang-ayunan ni H2WO at nagsabing, “Parang kampante din.”

Sey pa ni H2WO, “All goods naman ako sa pagsasama naming dalawa. Ang daming memories, ang daming happy moments mga ganoon.”


Aminado naman si Mika na may isang bagay talaga na isa sa naging mitsa ng paghihiwalay nila ni H2WO.

“My only pinagsisihan is masyado natin in-open ‘yung relationship sa lahat ng tao. Maraming part ng relationship natin na it could’ve been better if it’s like just the two of us,” ani Mika.

Baka Bet Mo: Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

Aniya pa, 2023 pa raw nila pinagpaplanuhang maghiwalay ng ex-partner dahil nais muna nilang mag-focus sa kani-kanilang mga career.

“Actually last year pa namin pinag-iisipan ni H2 ito. Kasi priority namin ‘yung career and growth ng isa’t isa.

“Ako kasi personally, hindi ko iisipin ‘yung sarili ko kung nakaka-hinder ako sa growth mo.

“Sobrang cliche, and baka sabihin ninyo sobrang babaw, pero kasi ‘yung reason talaga namin is because of growth talaga,” sabi pa niya.

Agad namang pinabulaanan ni H2WO na may samaan sila ng loob ni Mika, “All goods ‘yung breakup namin. Walang samaan ng loob.”

Dagdag pa niya, “Maraming nagsabi na cheating daw dahilan. Maraming nagko-comment.”

Sey naman ni Mika, “Never naming gagawin ‘yung cheating part.”

Read more...