Tom gusto pa ring magkapamilya kahit nawasak ang relasyon nila ni Carla

Tom gusto pa ring magkapamilya kahit nawasak ang relasyon nila ni Carla

Tom Rodriguez

HINDI alam ni Tom Rodriguez kung paano magsisimula sa kanyang buhay nang magtungo siya sa Amerika matapos silang maghiwalay ni Carla Abellana.

Mahirap ang naging proseso ng ginawa niyang pagmu-move on mula sa kontrobersyal na breakup nila ng kanyang ex-wife na si Carla.

Negang-nega ang feeling ng Kapuso actor noong mga unang araw at buwan niya sa US kaya talagang nilabanan niya ang nararamdamang sama ng loob at pangungulila upang makapag-start uli.

“I can’t rely on myself pa no’n. I didn’t know how to begin kasi I was just like losing everything, my finances, the things that I really worked hard on, things I relied on,” ang pag-amin ni Tom sa panayam ng “24 Oras.”

Baka Bet Mo: Tom Rodriguez miss na miss pa rin si Carla Abellana, laging iniiyakan

Pero in fairness naman daw sa kanya, ginawa niya ang lahat para hindi tuluyang masira ang buhay niya after ng breakup nila ni Carla.

“Sabi ko nga that time, I feel like a negative. I started from a negative and then you learn to journaling, that’s when I learned to start talking to myself and you realize kung paano mo pala kinakausap ‘yung sarili mo.


“Journaling, self-reflection. Just writing down your thoughts. And then, slowly, you get to realize ‘Hey why do I talk to myself like this?’” aniya.

Na-enjoy naman daw ni Tom ang naging simpleng buhay niya sa Amerika, kung saan napakarami pa niyang nadiskubre sa kanyang sarili.

“A very, very normal life and I loved every minute of it,” sey ng nagbabalik-showbiz na aktor.

Baka Bet Mo: Carla nasasaktan pa rin sa paghihiwalay nila ni Tom: Hindi naman to ‘yung tipong nanakawan ka lang ng gamit, di ba?

Sa tanong kung naisip ba niyang tuluyang iwan ang Pilipinas at manirahan na lang sa US, “I would be honest, there really was. Kasi ang sarap ng ganu’ng buhay.

“But at the same time, like I said, kalahati ng puso ko nandito rin. I’m very passionate about my work and I really do love it ang hirap i-reconcile ng dalawang ‘yun eh,” sey ni Tom.

Sa naunang panayam sa aktor, sinabi nitong pangarap pa rin niyang bumuo ng sariling pamilya sa kabila ng nangyari sa relasyon nila ni Carla.

Inamin din niyang may dine-date na siyang bagong girl ngayon pero ayaw muna niya itong isapubliko para hindi maudlot. Magiging maramot daw muna siya ngayon pagdating sa kanyang personal life.

Huling napanood si Tom sa GMA primetime series na “The World Between Us” kasama sina Alden Richards at Jasmine Curtis.

Read more...